Pagputol ng mga puno sa Quirino Avenue, kinundena ng AKKaP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,204 total views

Mariing kinondena ng Angat Kalikasan Katutubo Pilipinas Inc. (AKKaP) ang pagputol sa 617 puno sa kahabaan ng Quirino Avenue sa Lungsod ng Maynila upang bigyang-daan ang mga proyektong pang-imprastraktura at urban development.

Ayon sa AKKaP, taliwas ito sa patuloy na panawagan para sa matinding pagkilos laban sa krisis sa klima, pagpapanumbalik ng kagubatan, at pagsusulong ng mga solusyong nakabatay sa kalikasan, sa gitna ng patuloy na paglala ng epekto ng pagbabago ng klima.

Una nang inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may pahintulot ang pagputol sa mahigit 600 puno para sa Southern Access Link Expressway (SALEx) project ng San Miguel Corporation na magdurugtong sa Skyway patungong Roxas Boulevard.

“Inaabot ng ilang dekada bago lumaki ang isang puno, magbigay-buhay sa biodiversity, sumipsip ng carbon, magpababa ng temperatura, at magsilbing proteksyon ng mga komunidad laban sa lumalalang epekto ng climate crisis, ngunit ilang segundo lamang ang kailangan upang ito ay putulin,” pahayag ng AKKaP.

Iginiit ng grupo na nakababahala ang patuloy na pagdami ng mga konkretong imprastraktura sa mga lungsod habang unti-unting nawawala ang mahahalagang luntiang espasyo at ecosystem dahil sa mga proyektong itinuturing na kaunlaran.

Dagdag pa ng AKKaP, hindi dapat sinusukat ang pag-unlad sa dami ng kalsada, gusali, at kita, habang isinasantabi ang kalikasan at mga likas na yaman.

“Hindi dapat isinasakripisyo ang ating natitirang green spaces sa ngalan ng kaunlaran,” giit ng AKKaP.

Sa halip, hinamon ng grupo ang pamahalaan at pribadong sektor na pagtuunan ng pansin ang makakalikasan at sustenableng pagpaplano ng mga lungsod, pagpapaunlad ng mga pampublikong liwasan, maayos na sistema ng pampublikong transportasyon, at pagpapatatag ng mga komunidad laban sa epekto ng mga sakuna at kalamidad.

Nanawagan din ang AKKaP ng pananagutan, transparency, at tunay na pangangalaga sa kalikasan sa lahat ng mga proyektong pangkaunlaran.

“Walang sustainable na kinabukasan kung patuloy nating pinuputol ang mismong nagbibigay-buhay sa atin,” ayon pa sa AKKaP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 65,000 total views

 65,000 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 95,222 total views

 95,222 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 121,873 total views

 121,873 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 216,846 total views

 216,846 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 233,667 total views

 233,667 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top