Social communicators, hinimok na maging tagapagbuklod ng mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,576 total reads

Hinimok ni Radio Veritas President at CEO na si Fr. Roy Bellen ang mga lingkod ng social communications ng Archdiocese of Manila na maging tagapagbuklod ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan at pag-asa.

Ito ang mensahe ng pari sa pagtatapos ng tatlong araw na Media Camp 2026 na ginanap sa St. Michael Retreat House sa Antipolo City mula May 22 hanggang 24 kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pentekostes.

Ayon kay Fr. Bellen, mahalagang gamitin ng mga nasa larangan ng media at social communications ang kanilang kakayahan upang magbigay-buhay at inspirasyon sa kapwa.

“We are given life, the breath of the Holy Spirit; tayo rin sana ay makapagbigay ng buhay sa iba,” pahayag ni Fr. Bellen sa Radio Veritas.

Binigyang-diin din ng pari ang mahalagang papel ng mga social communicators sa gitna ng umiiral na pagkakahati-hati sa lipunan.

“It’s a time for us, hindi para po magkampihan; it’s a time for us to unite people. And there is no other way to be united but by being behind the truth,” ani Fr. Bellen.

Pinaalalahanan din ng pari ang mga media ministers na ang layunin ng pagpapahayag ng katotohanan ay hindi upang manira o manghiya ng kapwa kundi upang maitaguyod ang pagkakaisa.

“Tayo po ay nagpapahayag ng katotohanan, not para gumanti, para magpahiya sa tao, kundi para lumabas ang katotohanan and hopefully, tayo pong lahat ay magkaisa,” dagdag pa ng pari.
Kinilala rin ni Fr. Bellen ang mahalagang ambag ng mga nasa likod ng kamera at mga nasa larangan ng komunikasyon bilang mga instrumento ng Simbahan sa pagpapalaganap ng katotohanan at pag-asa.

Pinangunahan din ni Fr. Bellen ang commissioning ng mga delegado bilang hamon na higit pang paigtingin ang misyon ng mga media ministers sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita, lalo na sa digital continent.

Dinaluhan ang Media Camp ng 55 lingkod ng Social Communication Ministry mula sa iba’t ibang parokya ng Archdiocese of Manila bilang bahagi ng pagpapatibay sa kanilang kakayahan sa media, komunikasyon, at ebanghelisasyon.

Pinagnilayan sa pagtitipon ang tema ng 60th World Day for Social Communications na “Preserving Human Voices and Faces,” kung saan tinalakay ni Fr. Bellen ang mensahe ni Pope Leo XIV.

Tampok din sa tatlong araw na Media Camp ang iba’t ibang workshop para sa pagpapaigting ng kakayahan ng mga media ministers sa gawaing ebanghelisasyon sa digital platforms.

Kabilang sa mga nagbahagi ng workshop sina Art Samaniego sa paksang “Cybersecurity and Scams,” Jonathan Montes para sa “Basic Voice Acting Workshop,” at Amelia Canlas para sa “Basic Acting and Hosting Workshop and Their Role in Christian Communication.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 224,040 total reads

 224,040 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 255,771 total reads

 255,771 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 357,595 total reads

 357,595 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 398,157 total reads

 398,157 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 409,797 total reads

 409,797 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top