Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 131,202 total reads

Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Noong isang linggo, naglabas ng hinanakit si Senadora Pia Cayetano matapos kuwestyunin ni Senadora Risa Hontiveros ang pagbabalik ng sesyon sa Senado na para bang walang nangyaring gulo kamakailan. Nais bigyang-diin ni Senadora Hontiveros ang pambabastos sa institusyon ng Senado at kawalan ng aksyon mula sa kasalukuyang liderato. Pero imbes na sagutin ang kanyang tanong, nalihis ang talakayan. Napanood natin marahil sa TV at social media ang sagot ni Senadora Cayetano. Umiiyak pero walang luha niyang sinabing naparaming nangyari sa Senado. Takot na takot daw siya para sa kanyang sarili at staff. Isinumbat niya pang wala man lang daw kahit isang miyembro ng minorya ang nangumusta.  

Paglilinaw ni Senadora Hontiveros, valid ang nararamdaman ng kapatid ni Senate President Alan Peter Cayetano. Pero pagdiriin niya, tungkulin ng mga mambabatas na humingi ng aksyon sa nangyaring gulo sa Senado. Patas na imbestigasyon at pagpapanagot ang dapat daw mangyari nang hindi na malagay sa panganib ang buhay, hindi lang ng mga senador kundi pati ng kanilang staff, mga miyembro ng media, at iba pang kawani ng Mataas na Kapulungan. Hindi yata tamang business as usual na ang Senado, giit ni Senadora Hontiveros.

Hindi bumenta sa marami ang reaksyon ni Senadora Cayetano. Hindi naman daw sila mukhang mga takót sa kanilang live video habang nangyayari ang kaguluhan sa Senado. Nagkakainan pa nga sila, batay sa ilang larawan. Kinumusta rin sila ng mga taga-minorya, base sa screenshot ng group chat ng mga senador. Kaya maraming duda na isa na namang palabas ang emosyonal daw na pahayag ni Senadora Cayetano. 

May mga nagtatanong din sa kanya: kinumusta raw kaya ng senadora ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyong Duterte na pinasimunuan ng nagtatagong si Senador Bato dela Rosa? Kahit isang luha kaya ay tumulo sa kanyang mga mata para sa mga inosenteng pinagkaitan ng due process (kasama ang mga bata) at para sa mga biyuda at naulila ng mga biktima?

Sinasabi sa turo ng Simbahan na ang malalim na kahulugan ng buhay-sibil at pulitika ay makakamit lamang natin sa pamamagitan ng tunay na pagkakaibigan. Sa pagkakaibigan, laging may puwang sa pagpapanagot sapagkat huwad ang pag-ibig na nagbubulag-bulagan sa mali. Pero walang puwang sa pagkakaibigan ang pagiging makasarili dahil may malayang pagkilala at pagtugon sa pangangailangan ng kaibigan. Ang isang komunidad na binubuo ng mga tunay na magkakaibigan ay tumutungo sa pagtataguyod ng dignidad ng bawat isa at pagkamit ng kabutihang panlahat.

Sa pagpapatuloy ng SenateFlix, magkaroon sana ng plot twist, ‘ika nga, na papabor naman sa taumbayan, kung saan magiging main character tayo sa kuwentong pinatatakbo ng ating mga senador. Sa kuwentong ito, kaya sana nilang ipaliwanag nang may buong katotohanan ang nangyayari sa bayan. Sa pagbabago ng kuwento, kumustahin naman sana nila tayo, lalo na ang mga biktima ng kahirapan at karahasan. 

Mga Kapanalig, mas kaabang-abang ang kuwento kung totoong napakikinggan ang ating boses sa script. Mas tatabò ang SenateFlix kung taumbayan ang magiging bida sa kuwento, kung ang ating mga senador ay nagsisilbing tulay ng pagkakaibigan ng taumbayan at ng mga pinuno ng bayan. Maging tauhan sana sila sa kuwento ng tunay na pagkakaibigan. Sabi nga sa Juan 15:13, “Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.” Sa pagtatapós ng kuwento, nawa’y patungo tayo sa isang mas makatarungan at makataong lipunan. Ito ay isang lipunang may mga lingkod-bayan na itinuturing tayong mga kaibigan na handa nilang pag-alayan ng kanilang buhay. 

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 19,687 total reads

 19,687 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 57,343 total reads

 57,343 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 75,554 total reads

 75,554 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 159,882 total reads

 159,882 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 196,321 total reads

 196,321 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bayan, hindi bayad

 19,688 total reads

 19,688 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 57,344 total reads

 57,344 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 75,555 total reads

 75,555 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 159,883 total reads

 159,883 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »
Scroll to Top