Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 149,506 total reads

Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Ilang araw pa lamang na naupo bilang Senate President si Senator Alan Peter Cayetano matapos mapatalsik si Senador Vicente Sotto sa puwesto sa isang kontrobersiyal na kudeta na sinundan ng madramang “the Senate is under attack” scenario.

Para daw mapanatili ka bilang Senate President., kailangan mo lang gawin sabi ni Senador Panfilo Lacson, “You should take care of your fellow Senators”.

Bakit napatalsik si Sotto na Senate President? Hindi pala niya kayang ibigay o ipamudmod sa kapwa niya ang Senador ang 142-bilyong piso.

Kapanalig, ano na ang nangyayari sa Senado o tinaguriang August chamber? Wala nang decency? Naging clown na ang mga Senador?

Isa na namang Senate kudeta ang namumuo. Isa namang rigodon sa Senado “is in the works”.
Kapanalig, hindi imposible ang panibagong pagpapalit sa liderato ng Senado. Nakaka-engganyo ang numero., masyadong manipis ang agwat sa pagitan ng mayorya at minorya.

Sa kasalukuyan, 13 vs 11 ang numero., sino ba naman ang hindi maging interesadong kumilos, kailangan mo lang ay isang “political butterfly” makokopo muna ang kapangyarihan. Wala nang bilang sa kasalukuyang sitwasyon si Senator Bato dela Rosa na wanted sa ICC sa kasong crimes against humanity.

Sinasabing si Senador Sherwin Gatchalian ang lumilitaw na “compromise” Senate president na tanggap ng mayorya at minorya. Inaasahan na lumundag sa panig ng minorya si Senador Francis “Chiz” Escudero na dating Senate President na pinalitan noon ni Sotto.

Ang nakakalungkot na katotohanan Kapanalig, ang nangyayari sa Senado ay “survival of fittest”., kailangang pumanig sa may kapangyarihan upang makaligtas sa kinasasangkutang mali.

Ang nagaganap na power struggle sa Senado ay malaki ang epekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mahihirap na Pilipino., na umaasang tutugon sa kanilang pangangailangan sa panahon ng krisis.

Kapanalig sa kasalukuyang panahon, mayroon pa bang lider ng bansa ang nagtataglay ng katangian tulad ng sinasabi sa Philippians 2:3- “Do nothing out of selfish ambition or vain conceit. Rather, in humility value others above yourselves.”

Naninindigan noon ang yumaong Pope Francis na ang politika ay pinakamataas na antas ng serbisyo publiko.

Para kay Pope Francis., everyone must engage in politics. “Politics is a way of life for the ‘polis’,for the city”.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 147,144 total reads

 147,144 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 205,310 total reads

 205,310 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 341,815 total reads

 341,815 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 453,760 total reads

 453,760 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 147,146 total reads

 147,146 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 205,312 total reads

 205,312 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 341,817 total reads

 341,817 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »
Scroll to Top