CBCP-ECID, nagpaabot ng pakikiisa sa mga Muslim

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,167 total reads

Nagpaabot ng pagbati at pakikiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission for Interreligious Dialogue (CBCP-ECID) sa mga kapatid nating Muslim sa bansa kaugnay ng pagdiriwang ng Eid al-Adha o “Feast of Sacrifice.”

Sa mensahe nina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo at Cotabato Archbishop Charlie Inzon OMI, na chairman at vice chairman ng komisyon, kinilala ng mga Obispo ang kahalagahan ng pagdiriwang bilang paggunita sa kahandaan ni Propeta Ibrahim na ialay ang kanyang anak bilang pagsunod sa kalooban ng Allah.

Ayon sa CBCP-ECID, ang Eid al-Adha ay paalala ng pagpapahalaga sa pagiging mapagkumbaba, matuwid, at handang isantabi ang makamundong pagnanasa para sa mas mataas na layunin.

“On behalf of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission for Interreligious Dialogue (CBCP-ECID), we extend our fraternal greetings as you celebrate Eid al-Adha, the “Feast of Sacrifice.” We are one with you in celebrating “Eid’l Adha,” or “Feast of the sacrifice” which honours Prophet Ibrahim’s absolute willingness to sacrifice his son Ishmael as an act of obedience to Allah. It reminds Muslims to willingly let go of worldly attachments, desires and material wealth for a higher purpose.” Bahagi ng mensaheng ipinaabot ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Samantala, tiniyak din ng komisyon ng CBCP ang kanilang pananalangin para sa kapayapaan at maayos na pagdaraos ng parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

“In a very special way, we are keeping you in our prayers that the values of selflessness and moral integrity may pave the way for a truly peaceful, orderly, and credible parliamentary election in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).” Dagdag pa ng CBCP-ECID.

Binigyang-diin din ng komisyon ang kahalagahan ng sama-samang pagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa, at kabutihang panlahat.

Ayon sa CBCP-ECID, ang tunay na kapayapaan ay hindi lamang kawalan ng kaguluhan kundi pagkakaroon ng katarungan, paggalang sa isa’t isa, at aktibong pagtutulungan para sa kapakanan ng lahat.

Hinimok din ng komisyon ang pagsusulong ng inklusibong pag-unlad upang matiyak na walang naiiwan, lalo na ang mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.

“Let us stand together to reaffirm our shared commitment to peace, solidarity, and the common good. Lasting peace is not simply the absence of conflict; it is the presence of justice, mutual respect, and active cooperation. To build this foundation, we must champion inclusive development. Growth is only meaningful when it reaches everyone. We must ensure that our progress lifts up the vulnerable, empowers the marginalized, and leaves no one behind. When we work for the common good, we protect the dignity of every individual and safeguard our shared home for future generations.” Ayon pa sa kumisyon.

Nagpaabot din ng panalangin ang kumisyon na tanggapin ng Allah ang mga sakripisyo at panalangin ng mga kapatid nating Muslim at pagkalooban sila ng kapayapaan, kaligayahan, at kasaganaan sa pagdiriwang ng Eid al-Adha.

Batay sa tala, umaabot sa mahigit 10-milyon ang bilang ng mga Muslim sa Pilipinas kung saan mayorya ay mga Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 14,936 total reads

 14,936 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 53,038 total reads

 53,038 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 71,248 total reads

 71,248 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 155,577 total reads

 155,577 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 192,239 total reads

 192,239 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 36,911 total reads

 36,911 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top