Baluktot na katotohanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 124,680 total views

Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan.

Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo, nagbigay ng privilege speech si Senadora Imee Marcos kung saan ipinakita niya ang isang video presentation na naglalaman ng umano’y mga ebidensya tungkol sa planong baguhin ang Konstitusyon sa pamamagitan ng Constitutional Assembly. Tampok sa video ang putul-putol na mga pahayag, mga nakaraang pangyayari na pilit inuugnay sa Charter Change, at mga social media posts na walang malinaw na kredibilidad.

Nagbanggit pa si Senadora Marcos ng mga pangalan ng ilang opisyal ng gobyerno, kabilang si dating Senate President Tito Sotto, sa mga umano’y nagtutulak ng Cha-cha. Ayon sa senadora, kabilang daw sa plano ang pagpapalawig sa termino ng mga opisyal hanggang 2031, pagkansela ng eleksyon sa 2028, at pagbaba sa minimum age requirement ng pagtakbo bilang pangulo.

Agad namang pinabulaanan ng minorya ang mga alegasyon. Mariing iginiit ni Senador Juan Miguel Zubiri na propaganda lamang ang ipinakita ni Senadora Marcos at hiniling niyang alisin ito sa record ng Senado. Sinegundahan ito ng iba pang miyembro ng minorya at tinawag na fake news ang buong presentasyon. Sa mungkahi lamang ni Senate President Alan Peter Cayetano, pumayag si Senadora Imee na alisin ang video sa record ng Senado.

Nakababahala na ang mga video na ginamit sa presentasyon ay walang malinaw na basehan. Wala ring naipakitang konkretong ebidensya upang patunayan ang mabibigat na akusasyon. Talamak na nga ang disimpormasyon sa social media, pero higit na mapanganib kapag nakapapasok ito mismo sa Senado at nagagamit bilang sandata sa maruming pulitika.

Ang Senado ay dapat tahanan ng katotohanan, integridad, at matalinong pagdedesisyon. Dapat itong binubuo ng mga lider na ginagamit ang kanilang talino at impluwensya upang linawin ang katotohanan, hindi upang baluktutin ito para sa pansariling interes o pampulitikang agenda. Nakalulungkot na ang mismong institusyong inaasahang lalaban sa fake news ay tila nagiging daluyan pa nito.

Ang tunay na biktima rito ay hindi ang mga senador kundi ang sambayanang Pilipino. Kapag ang isang paratang ay nagmula sa taong may kapangyarihan o mataas na posisyon, mas madaling paniwalaan ito dahil may kaakibat itong kredibilidad. Nagkakaroon ng impresyon ang publiko na may sapat itong batayan kahit wala naman. Sa huli, ang taumbayan ang nalilinlang, napapaniwala, at nadadala sa galit laban sa maling tao. Samantalang ang nais lamang naman ng marami ay makitang nagtutulungan ang mga mambabatas upang tugunan ang mga tunay na problema ng bansa.

Maalala sana ng mga senador na ang pangunahing tungkulin nila ay ang gumawa ng mga batas na makapagpapagaan sa buhay ng mga mamamayan. Hindi dapat sila nagpapakalat ng mga walang basehang paratang, disimpormasyon, at propaganda. Sapagkat kapag nababaluktot ang katotohanan sa loob ng institusyon, nasisira rin ang respeto at tiwala ng taumbayan sa Senado. Imbis na maging simbolo ito ng dangal at serbisyo publiko, lalo pa nitong pinalalalim ang pagkalito at pagkahati-hati ng publiko. 

Mga Kapanalig, sa panahon ngayon kung saan madaling baluktutin ang katotohanan, patuloy nating dasalin ang sinasabi sa Mga Awit 120:2: “Panginoon, iligtas Mo kami sa mga taong sinungaling at mandaraya.” Ngunit hindi sapat ang pagdarasal lamang. Kailangan din nating matutong magsuri, magtanong, at labanan ang maling impormasyon. Batay sa turo ng Simbahan, magkasinghalaga ang sinasabi at ang intensyon ng nagsasalita. Maaaring mukhang kapani-paniwala ang isang pahayag, ngunit kung ang layunin nito ay maghasik ng pagkakahati-hati, sirain ang reputasyon ng iba, at lumikha ng kaguluhan, dapat tayong maging mapagmatyag. Dahil sa panahon ngayon, hindi lahat ng malakas ang boses ay nagsasabi ng totoo, at hindi lahat ng nasa kapangyarihan ay ginagamit ito para sa tama.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 28,810 total views

 28,810 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 57,161 total views

 57,161 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 124,891 total views

 124,891 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 148,042 total views

 148,042 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 216,105 total views

 216,105 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ibinasurang paraiso

 28,811 total views

 28,811 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 57,162 total views

 57,162 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 124,892 total views

 124,892 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 148,043 total views

 148,043 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »
Scroll to Top