Pope Leo, nanawagan sa Santa Iglesia na aktibong makibahagi sa World Mission Sunday

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,463 total reads

Nananawagan si Pope Leo XIV sa buong Simbahang Katolika na aktibong makibahagi sa pagdiriwang ng World Mission Sunday at suportahan ang misyon ng pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa pakikipagpulong sa mga kalahok ng General Assembly ng Pontifical Mission Societies sa Vatican, binigyang-diin ng Santo Papa ang kahalagahan ng pananalangin, sakripisyo, at konkretong pagtulong para sa mga lugar na nagsisimula pa lamang tumanggap ng pananampalatayang Kristiyano at sa mga bagong Simbahan na nangangailangan ng suporta.

Ayon kay Pope Leo, isang mahalagang pagkakataon ang World Mission Sunday upang paalalahanan ang mga mananampalataya na ang misyon ng Simbahan ay hindi lamang para sa mga misyonero kundi pananagutan ng bawat Kristiyano.

“On World Mission Sunday, every Catholic community is invited to pray and offer spiritual and material sacrifices for the missionary efforts in areas of first evangelization and the support of young Churches,” ayon kay Pope Leo.

Ang World Mission Day ay pinasimulan ni Pope Pius XI noong October 1927. Ngayong taon ipagdiriwang ng buong simbahan ang 100-taon sa October 18.

Binigyang-diin din ng Santo Papa na sa loob ng isang siglo, naging daan ang pagdiriwang upang mapalakas ang pagkakaisa ng Simbahan sa pagsusulong ng ebanghelisasyon sa iba’t ibang bansa.

Dagdag pa ni Pope Leo, “For one hundred years, this day has been set apart for prayer, reflection, and contributing to the Church’s mission of evangelization, especially in areas where the proclamation of the Gospel is only just beginning and where the Church is still young.”

Dahil sa mga pondong nalilikom tuwing World Mission Sunday, patuloy na natutulungan ang mahigit isang libong misyong simbahan sa buong mundo sa pagtatayo ng mga pasilidad, pagsasanay ng mga pari at relihiyoso, at pagpapatupad ng iba’t ibang programang pangmisyon.

Binigyang-diin din ni Pope Leo XIV na ang tema ngayong taon na “One in Christ, United in Mission” ay paanyaya sa mas malalim na pagkakaisa ng mga mananampalataya at mas aktibong pakikibahagi sa misyon ng Simbahan.

Kasabay nito, kinilala ng Santo Papa ang mahalagang ginagampanan ng Pontifical Mission Societies sa pagpapalaganap ng pananampalataya, lalo na sa mga bansang apektado ng digmaan, karahasan, at matinding kahirapan.

Nagpahayag din si Pope Leo ng kagalakan sa nalalapit na beatification ni Venerable Fulton J. Sheen, na kanyang inilarawan bilang huwaran ng makabagong ebanghelisasyon na nakaabot sa milyun-milyong tao sa pamamagitan ng radyo at telebisyon.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinimok ng Santo Papa ang mga Katoliko sa buong mundo na patuloy na maging bahagi ng misyong ipalaganap ang pag-ibig, kapayapaan, at pag-asa ni Kristo sa gitna ng mga hamon at pagkakahati-hati sa daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 207,141 total reads

 207,141 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 241,814 total reads

 241,814 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 257,714 total reads

 257,714 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 294,203 total reads

 294,203 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 300,488 total reads

 300,488 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top