Cardinal David, nagpaabot ng suporta kay Fr. Villanueva

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,884 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa at suporta si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David kay Divine Word Missionary Priest at Ramon Magsaysay Awardee, Rev. Fr. Flaviano “Fr. Flavie” Villanueva, SVD kasunod ng mga alegasyong ibinabato laban sa Pari.

Sa pahayag ni Cardinal David sa kanyang Facebook page na may titulong “Thou Shalt Not Bear False Witness…”, binigyang-diin ng dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ang matagal na niyang pagkakakilala kay Fr. Villanueva partikular na ang walang pagod na paglilingkod nito sa mahihirap, lalo na sa mga pamilya ng mga biktima ng karahasan at mga taong nangangailangan ng kalinga at paggabay.

Ayon kay Cardinal David, kilala si Fr. Villanueva sa kanyang malasakit, integridad, at malalim na paggalang sa dignidad ng bawat tao.

“I join the SVD (Society of the Divine Word) in expressing support for their confrere, Fr. Flaviano “Fr. Flavie” Villanueva, SVD. I have known Fr. Flavie for many years and have witnessed firsthand his unwavering commitment to the human dignity of the poorest of the poor, especially the families of victims of violence and those who often have no one else to accompany them in their suffering. Those who know him know that his ministry has always been marked by compassion, integrity, and a profound respect for human life.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal David.

Bagamat kinikilala ni Cardinal David ang kahalagahan ng masusing pagsisiyasat sa anumang alegasyon, iginiit ng Obispo na kinakailangan itong samahan ng sapat na ebidensya at paggalang sa due process upang mapatunayan ang bawat paratang sa isang indibidwal.

“While allegations must always be taken seriously and examined responsibly, they must also be supported by evidence. No person’s good name should be destroyed by unsubstantiated accusations.” Ayon kay Cardinal David.

Binigyang diin din ni Cardinal David na ang pagkilala ng Ramon Magsaysay Award Foundation kay Fr. Villanueva na sumailalim din sa mahigpit na proseso ng pagsusuri, ay isa ring patunay sa matagal nang paglilingkod at dedikasyon ng Pari sa pagtatanggol sa dignidad ng tao.

“I find it difficult to believe that a man whose life and work have earned the respect of so many, including the recognition bestowed upon him by the Ramon Magsaysay Award Foundation after its own rigorous vetting process, would suddenly be reduced to the caricature painted by reckless allegations.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Bukod sa pakikiisa kay Fr. Villanueva, ibinahagi rin ni Cardinal David ang kanyang pananalangin para sa pananaig ng katotohanan, katarungan, at tamang proseso ng batas sa pagtalakay sa usapin sa gitna ng kontrobersiya.
“I stand with Fr. Flavie. I pray that truth, fairness, and due process will prevail, and that those who have dedicated their lives to serving the poor and defending human dignity will not be silenced or discredited by unfounded accusations.” Ayon pa kay Cardinal David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 212,475 total reads

 212,475 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 247,148 total reads

 247,148 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 263,048 total reads

 263,048 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 299,538 total reads

 299,538 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 305,523 total reads

 305,523 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 46,841 total reads

 46,841 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top