Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 169,084 total reads

Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng krisis sa langis. Tapos na ang giyera, hindi pa rin bumababa ang halaga ng mga produktong petrolyo.

Ang salarin sa hindi mapigilang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Pilipinas., Ang Republic Act 8479 o Oil Deregulation law na nagbibigay kapangyarihan sa mga kumpanya ng langis sa bansa magtaas sa presyo ng kanilang petrolyo kapag mayroong paggalaw sa pandaigdigang pamilihan.

Kapanalig, tulad ng mga kumpanya ng langis na walang kalugi-lugi ang negosyo., ganun din pagdating sa bayarin sa kuryente. Ang salarin naman, ang Republic Act 9136 o Electric Power Reform Industry Act of 2001. Layon nang batas na protektahan ang interes ng publiko na apektado sa singil at services ng electric utilities at mga provider ng kuryente.

Dahil sa oil crisis at nararanasang init ng panahon sa Pilipinas, biglang naging triple ang konsumo at bayarin sa kuryente. Pinagsasamantalahan ba ng MERALCO ang kanilang mga consumer sa kuryente?

Nabunyag sa MERALCO billing ang iba’t-ibat uri ng charges na kanilang ipinapataw sa mga electric consumer. Wala din kalugi-lugi ang electric distributor, kapag bumagsak ang halaga ng piso laban sa dolyar, mayroong charges ang MERALCO sa consumers, kapag mayroon silang system loss., ikakarga din nila ang lugi sa mga consumer. Ang pinakabago, maging ang ilang porsiyento ng ibinibigay na benepisyo sa mga senior citizen ay sinisingil ng MERALCO sa electric consumers. Hindi pa nakuntento, pati ang ayuda sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps’), kinakaltasan din tayong mga consumer ng MERALCO. Matatawag kaya itong maliitang pandarambong? Pandaraya? Ang may kasalanan Kapanalig, ang EPIRA law.

Yung iba nating Kapanalig, natatakot nang buksan ang TV, paganahin ang TV, REF at iba pang de-kuryenteng gamit dahil ma-highblood sa malaking bayarin sa bill ng kuryente. Nakakalungkot, marami sa ating ang naghihikahos na sa buhay, dapang-dapa na sa mahal na bilihin at serbisyo publiko., lalu pang padadapain ng MERALCO?

Ang kalokohang ito ang nag-udyok sa mga hamon sa kongreso na rebyuhin ang electricity pricing policies ng MERALCO.

Isinusulong na rin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang resolusyon na naglalayong amyendahan ang EPIRA law gayundin ang mga polisiya ng Energy Regulatory Commission na nagbibigay ng go signal sa MERALCO na isama sa billing ang mga kung ano-anong charges. Kailan pa mangyayari ito? Kailan pa mababawasan o maibsan man lang ang bigat na pinapasan ng mamamayan?

Kapanalig, itinuturo ng Economy of Francesco (EOF) na sa pag-unlad ng ekonomiya, sa paglago ng kita ng mga negosyante hindi dapat naiiwan sa pag-unlad ang mamamayan.

Nakasaad sa 1987 Philippine constitution Section 4: Prime duty of the government- “government exists to serve and protect the people”.

Sinasabi sa COMPENDIUM OF THE SOCIAL DOCTRINE OF THE CHURCH, The State, the necessity of political institutions, the purpose of which is to make available to persons the necessary material, cultural, moral and spiritual goods. The goal of life in society is in fact the historically attainable common good[357].

Sumainyo ang Katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 10,111 total reads

 10,111 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 10,238 total reads

 10,238 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 18,787 total reads

 18,787 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 75,193 total reads

 75,193 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 198,694 total reads

 198,694 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 283,129 total reads

 283,129 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 18,788 total reads

 18,788 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 75,194 total reads

 75,194 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 198,695 total reads

 198,695 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top