Eksperto, tiwalang magiging maayos ang impeachment trial ni VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,242 total reads

Tiwala ang isang eksperto na magiging mas maayos ang takbo ng nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa ilalim ng bagong pamunuan ng Senado.

Ayon kay Prof. Roland Simbulan ng Center for People Empowerment in Governance, mas nagkakaroon na ng katatagan sa Senado matapos ang ipinatupad na special session kung saan naresolba ang isyu sa liderato at naihalal si Senate President Sherwin Gatchalian.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Simbulan na matapos ang ilang linggong kaguluhan sa Senado, unti-unti nang bumabalik ang normal na operasyon ng institusyon na mahalaga para sa isang maayos na paglilitis.

“Mukhang makakapag-stabilize, normalize sa sitwasyon sa Senado, kasi yung sa nakaraang 37 days, bagama’t napakaikling termino ni dating SP Alan Peter Cayetano, ito’y napakagulo. Matagal sigurong hindi makakalimutan ito, itong mga nangyari,” ayon kay Simbulan.

Dagdag pa ni Simbulan, “Dahil dito rin sa stabilization ng senado, mas confident ako ngayon na magiging maayos itong darating na senate impeachment trial.”

Bunsod nito, mas tiwala siya na magiging organisado at patas ang impeachment proceedings, kung saan inaasahang maihaharap nang maayos ang mga ebidensya at testigo.

Gayunman, iminungkahi rin ng eksperto na mas mainam kung si Senador Francis Pangilinan ang mamuno bilang presiding officer ng impeachment trial, sa halip na si Senador Francis Escudero, dahil sa kanyang legal na background at mas balanseng pananaw.

“Kung ako ang tatanungin, na kung gusto nila na abogado ang magpreside na makakapagbigay ng…atleast we will be at peace. Mas gusto ko na ang piliiin nila sana si Sen. Pangilinan kasi abogado din ‘yan,” ayon kay Simbulan.

Dagdag pa niya, “Mas balance ‘yung kaniyang views dito sa mga bagay na ito, hindi siya masyadong ‘identified ‘tsaka wala siyang bagahe.”

Matatandaang sa ilalim ng dating pamumuno ni Escudero, naantala ang pagko-convene ng Senado bilang impeachment court dahil sa naging pagtatalo sa kahulugan ng terminong “forthwith” na sinasaad sa Saligang Batas.

Bukod dito, isa rin si Escudero sa iniimbestigahan kaugnay sa usapin ng flood control anomaly.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 39,033 total reads

 39,033 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 86,353 total reads

 86,353 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 187,620 total reads

 187,620 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 257,796 total reads

 257,796 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 342,014 total reads

 342,014 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top