Mass for truth, Justice at Accountability, isinagawa sa Immaculate Conception Cathedral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,713 total reads

Pinangunahan ng Clergy for Good Governance (CGG) kasama ang mga mananampalataya ang misa at pananalangin para sa mga House Prosecutors, ilang draw bago ang pagsisimula ng impeachment case laban kay Vice President Sara Dutere.

Isinagawa ang Mass for Truth, Justice and Accountability sa Chapel of the Nativity ng Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City bilang pagpapakita ng suporta at espirituwal na paggabay sa prosecution panel bago ang inaabangang impeachment trial na magsisimula sa July 6.

Kabilang sa dumalo sa misa ang lead prosecutor na si Batangas Rep. Gerville Luistro kasama ang mga kapwa House prosecutors na sina Reps. Leila de Lima, Lorenz Defensor, Joel Chua, Ysabel Maria Zamora at Kaka Bag-ao, gayundin ang mga private prosecutors na sina Lorna Kapunan at Marforth Fua.

Pinangunahan ang banal na misa ni Fr. Bong Sarabia, habang si Msgr. Mel David ang nagbigay ng homiliya. I

Sa homiliya, hinimok ni Msgr. David ang prosecution panel na gampanan ang kanilang tungkulin nang may tapang, katapatan at pananampalataya, habang ipinaalala na nakatuon sa kanila ang atensyon ng sambayanang Pilipino sa pagsisimula ng paglilitis.

Nanalangin din ang pari na gabayan ng Diyos ang mga prosecutor sa buong proseso at manatili silang tapat sa katotohanan, katarungan at kanilang sinumpaang tungkulin.

“Lord, we do not ask that one side should win. We ask that the truth be known. We ask that justice be done. And we ask that whatever the outcome, our nation may grow in truth, in justice, and in respect for the rule of law. Heal what divides us and teach us again to seek the common good before our own interest,” bahagi ng panalangin ng CCG.

Nagpasalamat naman si Luistro sa mga pari at mananampalataya sa ipinagkakaloob na panalangin at suporta, na aniya’y nagsisilbing lakas ng prosecution panel sa kabila ng bigat ng kanilang responsibilidad at mga hamong kinakaharap.

Nanawagan naman si Luistro sa publiko na ipagdasal hindi lamang ang House prosecutors at private prosecutors kundi maging ang defense panel, ang mga senator-judges, at ang buong sambayanang Pilipino upang manaig ang katotohanan, katarungan at ang tuntunin ng batas.

Dagdag pa ng mambabatas, “Let us pray even for the defense team. Let us pray even for the senator judges. Let us pray for the entire Philippine nation. Kung saan po nanggagaling ang paninindigan naming lahat. It is because we believe that Filipinos deserve better leaders. Filipinos deserve better nation. Filipinos deserve better republic.”

Hiniling din ng lead prosecutor ang patuloy na suporta ng publiko hanggang sa matapos ang impeachment trial, kasabay ng panawagang samahan sila sa pananalangin para sa pananagutan ng respondent sa ilalim ng proseso ng Saligang Batas.

“Join us as we pray for the conviction of the respondent in this impeachment trial,” ayon sa mambabatas.

Nakatakdang magsilbing impeachment court ang Senado sa July 6 upang dinggin ang reklamo laban kay Vice President Sara Duterte, na inaprubahan ng Kamara noong Mayo matapos itong suportahan ng 257 mambabatas.

Kabilang sa mga reklamong kinakaharap ng Pangalawang Pangulo ang betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, graft and corruption, at iba pang mabibigat na paglabag.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 65,467 total reads

 65,467 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 169,104 total reads

 169,104 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 205,892 total reads

 205,892 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 236,467 total reads

 236,467 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 282,145 total reads

 282,145 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top