Kautusan ng NCIP na buwagin ang anti-mining barricade sa Brooke’s Point Palawan, kinundena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,019 total reads

Kinondena ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang naging kautusan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na buwagin ang anti-mining barricade ng mga katutubong pamayanan sa Barangay Ipilan, Brooke’s Point, Palawan.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, nilalabag ng naturang hakbang ang karapatan ng mga residente at mga katutubo sa mapayapang pagtitipon at malayang pagpapahayag, pati na ang karapatang ipagtanggol ang kanilang lupaing ninuno laban sa mapaminsalang pagmimina.

“It prevents the community from collectively protecting their ancestral domain and cultural heritage from destructive mining operations,” pahayag ni Garganera.

Iginiit din ni Garganera na sa halip na ipabuwag ang barikada, dapat sanang siniyasat ng NCIP ang mga hinaing ng mga katutubong pamayanang matagal nang naninirahan at nangangalaga sa kabundukan ng Barangay Ipilan, na nagsasabing hindi sila naisama sa mga naging proseso ng pagpapasya ng komisyon.

Samantala, nagpahayag din ng suporta ang ATM sa panawagan ni Brooke’s Point Vice Mayor Mary Jean Feliciano na imbestigahan ang naging desisyon ng NCIP at alamin kung nasunod ang mga itinakdang legal na proseso, makabuluhang konsultasyon, at mga probisyon ng Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA).

“The NCIP must be investigated and held accountable. Its mandate is to protect the IPs, not facilitate mining operations that endanger the lives, ancestral lands, and culture of indigenous groups,” giit ni Garganera.

Nauna nang sinabi ni Feliciano na itinatag ang NCIP upang pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga Katutubong Pamayanan, at hindi upang isantabi ang tinig ng mismong mga komunidad na inaatasan nitong paglingkuran.

Binigyang-diin ng bise alkalde na mahalagang matiyak na ang lahat ng desisyong may kinalaman sa mga lupaing ninuno ay sumusunod sa due process at tunay na nagbibigay-halaga sa pakikilahok ng mga apektadong katutubo.

“When decisions affecting ancestral domains are perceived to disregard the voices of those who have long protected these lands, public trust in the institution is inevitably placed at risk,” ayon kay Feliciano.

Binibigyang-diin sa Laudato Si’ ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at paggalang sa karapatan ng mga katutubong pamayanan bilang mga tagapangalaga ng kanilang mga lupaing ninuno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 97,851 total reads

 97,851 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 148,215 total reads

 148,215 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 276,931 total reads

 276,931 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 362,316 total reads

 362,316 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 420,854 total reads

 420,854 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 229,809 total reads

 229,809 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top