Pagkilala ng WB sa Pilipinas na upper-middle income country, dapat magresulta ng climate resilience

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,705 total reads

Binigyang-diin ng Climate Change Commission (CCC) na dapat samahan ng mas matatag na pagkilos para sa climate resilience at sustainable development ang pagkilala ng World Bank sa Pilipinas bilang isang upper-middle income country.

Ayon kay CCC Vice Chairperson at Executive Director Robert E.A. Borje, sumasalamin ang bagong katayuan ng bansa sa matatag na ekonomiya at patuloy na pag-unlad, kasabay ng kahalagahan ng pagpapatuloy ng mga repormang magtitiyak ng pangmatagalang pag-unlad na nakikinabang ang lahat.

Binigyang-diin din ni Borje na magkaugnay ang pag-unlad ng ekonomiya at katatagan laban sa epekto ng climate change, kaya’t kinakailangang sabay na palakasin ang dalawang ito.

“Economic progress and climate resilience are mutually reinforcing. Sustaining one increasingly depends on strengthening the other,” pahayag ni Borje.

Ayon sa CCC, nagbubukas din ang bagong economic classification ng mas maraming pagkakataon upang mapalawak ang pamumuhunan sa climate resilience at maisulong ang makatarungang paglipat sa low-carbon economy.

Inaasahan din nitong mapalalakas ang pagsusulong ng sustainable development alinsunod sa Philippine Development Plan at sa mga pandaigdigang pangako ng bansa sa usapin ng klima.

Tiniyak din ng komisyon ang patuloy na pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor upang maisulong ang pagkilos para sa klima at mapalakas ang katatagan ng bansa.

“This Office remains committed to working with government agencies, local government units, the private sector, development partners, the academe and scientific community, civil society organizations, and stakeholders to ensure that climate action strengthens resilience, supports sustainable economic growth, and advances the country’s long-term development,” dagdag ni Borje.

Isinusulong naman ng simbahan, sa pamamagitan ng Laudato Si’, na ang tunay na kaunlaran ay nakabatay sa pangangalaga sa kalikasan, pagsusulong ng katarungang panlipunan, at pananagutan sa susunod na henerasyon.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 12,300 total reads

 12,300 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 48,305 total reads

 48,305 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 142,532 total reads

 142,532 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 203,024 total reads

 203,024 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 216,932 total reads

 216,932 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 296,985 total reads

 296,985 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 68,239 total reads

 68,239 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top