Sa nagtatanong kung nasaan ang simbahan, may sagot ang pinuno ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,624 total reads

Hinikayat ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga katolikong Pilipino na harapin nang may kababaang-loob at katapatan ang tanong na, “Where is the Church?” o “Nasaan ang Simbahan?”

Nilinaw ng pinuno ng Caritas Philippines na ang katanungan ay dapat ituring na isang paratang kundi panawagan ng mga taong naghahanap ng moral na pamumuno, katotohanan, katarungan, malasakit, at pananagutan sa gitna ng mga suliranin ng lipunan.

Naninindigan si Bishop Alminaza na hindi tumigil ang Simbahang Katolika sa Pilipinas sa pagpapahayag ng mga moral na paninindigan sa pampublikong buhay dahil patuloy nitong isinasabuhay hindi lamang sa pamamagitan ng mga pastoral na pahayag kundi maging sa paglilingkod sa mahihirap, pagtatanggol sa karapatang pantao, paghubog sa konsensya ng mamamayan, pangangalaga sa mga mahihina, at pagsusulong ng kapayapaan.

“It is true that the Catholic Church in the Philippines has never ceased proclaiming the moral demands of public life. For generations, bishops, priests, religious, and countless lay leaders have taught the dignity of every human person, the primacy of conscience, the demands of justice, the sinfulness of corruption, and the responsibility of citizens to choose leaders of integrity committed to the common good,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin pa ng Obispo na ang tanong na “Where is the Church?” ay dapat magsilbing paanyaya sa patuloy na pagbabagong-loob at mas tapat na pagsunod kay Kristo.

Ipinaalala niya na ang Simbahan ay hindi lamang isang institusyong naglalabas ng mga pahayag, kundi ang Katawan ni Kristo na naroroon saan man ipinagtatanggol ang katotohanan, isinusulong ang katarungan, inaalalayan ang mga nangangailangan, at muling binubuhay ang pag-asa.

“At the same time, we receive this question not as an attack on the Church but as an invitation to continual conversion. No disciple of Christ can ever say, “We have done enough.” Every
generation calls us to proclaim the Gospel with renewed courage, accompany those who suffer with greater compassion, and make Christ’s presence more visible wherever truth, justice, and human dignity are threatened,”
bahagi pa ng mensahe ni Bishop Alminaza.

Inamin naman ni Bishop Alminaza na ang Simbahan ay patuloy na tinatawagan sa diwa ng Ecclesia semper reformanda o ang Simbahang laging nangangailangan ng pagpapanibago.

Bunsod nito, hinamon ng Obispo ang mga mananampalataya na tumugon sa mga hamon ng lipunan nang may kababaang-loob, bukas na pagtanggap sa patuloy na pagbabagong-loob, at mas matapat na pagsasabuhay ng Ebanghelyo araw-araw.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 11,103 total reads

 11,103 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 46,186 total reads

 46,186 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 140,413 total reads

 140,413 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 200,906 total reads

 200,906 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 214,815 total reads

 214,815 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 294,958 total reads

 294,958 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 31,818 total reads

 31,818 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »
Scroll to Top