Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maging responsable sa paggamit ng social media, paalala ng Arsobispo ng Cebu sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 422 total views

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na maging mapanuri at responsable sa paggamit ng social media sa gitna ng lumalalang paglaganap ng maling impormasyon at mga mapanlinlang na nilalaman sa internet.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng arsobispo na hindi dapat umaasa ang publiko sa mga algorithm ng social media bilang batayan ng katotohanan.

Aniya, layunin ng algorithm na panatilihing nakatuon ang atensyon ng mga gumagamit at hindi maghatid ng wasto at makatotohanang impormasyon.

“The algorithm is not searching for the truth. It is designed mainly to keep us watching, clicking, and reacting. It cannot tell the difference between truth and falsehood,” ayon kay Archbishop Uy.

Paliwanag ng arsobispo na dahil sa paulit-ulit na pagpapakita ng mga algorithm ng magkakatulad na nilalaman, nagkakaroon ng maling pananaw ang maraming gumagamit na iisa lamang ang katotohanan o pananaw sa iisang usapin.

Babala ng arsobispo sa publiko na huwag basta maniwala sa mga impormasyong madalas makita sa kanilang mga social media feed.

“That is why we should never believe something simply because it appears again and again on our screen. Repetition does not make something true,” ayon pa sa arsobispo.

Hinimok ng arsobispo ang mga Kristiyano na pairalin ang pagninilay at masusing siyasatin ang mga nababasa at napapanood online bago paniwalaan o ibahagi ang anumang impormasyon sa internet.

Ayon kay Archbishop Uy, malubha ang epekto ng fake news sa lipunan dahil nagiging ugat ito ng hidwaan at pagkakahati-hati.

“False information, manipulated videos, and fake news can easily create anger, hatred, and division. Families argue. Friendships are broken. Communities become polarized,” giit ni Archbishop Uy.

Pinaalalahanan ng arsobispo ang mga mananampalataya na, bilang mga Kristiyano, ay nararapat na maging misyonero ni Kristo na nagpapalaganap ng katotohanan tungo sa pagbubuklod ng mamamayan.

“As Christians, we are called to be instruments of truth, peace, and unity—not instruments of lies, hatred, or division,” aniya.

Ayon sa pag-aaral ng Statista, naglalaan ang mga Pilipino ng karaniwang 13 oras at 11 minuto sa internet kada linggo, kung saan naitala ang 65 milyong social network users sa bansa.

Nangunguna ang Facebook sa pinakaginagamit na social media platform ng mga Pilipino sa 59.38 percent kung saan naging mahalagang tool ito sa pagkalat ng mga balita higit pa sa mga traditional media tulad ng radyo, telebisyon, at print.

Dahil dito, binigyang-diin ni Archbishop Uy na higit sa anumang uso o popular na nilalaman sa social media, nararapat hanapin ng bawat Kristiyano ang katotohanang naaayon sa kalooban ng Diyos upang manatiling ginagabayan ng Ebanghelyo ang kanilang isip, budhi at pamumuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 49,832 total views

 49,832 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 71,898 total views

 71,898 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 87,594 total views

 87,594 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 94,743 total views

 94,743 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 155,252 total views

 155,252 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top