Our Lady of Peace and Good Voyage Chapel sa Victory Liner Plaza, binuksan sa mga biyahero

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,000 total reads

Inihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na ang pagdiriwang ng ika-400 anibersaryo ng pagdating sa Pilipinas ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje ay patuloy na nagpapatunay sa paglalakbay ng pananampalataya ng mga Pilipino.

Ito ang mensahe ng obispo na kasalukuyang kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage matapos basbasan at italaga ang Our Lady of Peace and Good Voyage Chapel sa Victory Liner Plaza sa Caloocan City noong July 1.

Ayon sa obispo, ang bagong kapilya ay nagsisilbing makabagong yugto sa apat na siglong debosyon sa mapaghimalang Birhen ng Antipolo na unang dumating sa bansa sakay ng mga galleon na kasalukuyan ay higit pang pinaiigting ang mga hakbang na mailapit ito sa mga mananampalataya.

“As we commemorate the 400th year of the arrival of Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje to our shores, a journey once carried across the seas by galleons, we now bring her by land, carried gently and faithfully by buses, to the people who love her,” ayon sa pahayag ni Bishop Santos.

Sinabi ng obispo na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Simbahan at ng Victory Liner Plaza ay nagpapatuloy ang misyon ng Mahal na Birhen bilang tagapagdala ng kapayapaan, proteksyon at ligtas na paglalakbay para sa mga biyahero.

“Through the kindness, compassion, and collaboration of the owners and employees of Victory Liner, Our Lady continues her mission as the land carrier of peace, protection, and good voyage,” ani Bishop Santos.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-400 anibersaryo, ipinagkaloob ng Diocese of Antipolo ang replika ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje sa bagong kapilya na pamamahalaan ng Diocesan Shrine and Parish Church of Our Lady of Grace ng Diocese of Kalookan sa pangangasiwa ng Oblates of Mary Immaculate.

Inilarawan ni Bishop Santos ang bagong dambana bilang biyaya para sa mga deboto ng Mahal na Birhen at isang pagkakataong higit pang mapalalim ang debosyon sa Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay.

Binigyang-diin ng obispo na magpapatuloy ang paglalakbay ng Birhen ng Antipolo sa piling ng mga Pilipino saan mang panig ng bansa.

“From ports to stations, by seas and on the road, we will bring you, show you, and give you Our Lady of Peace and Good Voyage, ang ating mapaghimalang Birhen ng Antipolo, Ina ng mga Pilipino,” aniya.

Matatagpuan sa ikalimang palapag ng establisimiyento ang bagong bukas na kapilya na maaring bisitahin ng mga mananampalataya.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 11,108 total reads

 11,108 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 46,197 total reads

 46,197 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 140,424 total reads

 140,424 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 200,917 total reads

 200,917 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 214,826 total reads

 214,826 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 294,968 total reads

 294,968 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 11,109 total reads

 11,109 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top