Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kung inilalayo tayo sa mga dukha sa halip na ilapit, hindi ito maituturing na pamumuhay sa kabanalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 338 total views

Binigyang-diin ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na hindi maituturing na tunay na kabanalan ang pamumuhay na inilalayo ang isang Kristiyano sa mga dukha at nangangailangan sa halip na ilapit siya sa mga ito sa diwa ng pagmamahal at paglilingkod.

Ito ang naging pagninilay ng kardinal sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral sa pagdiriwang ng unang kapistahan ni San Pier Giorgio Frassati bilang santo, na inilarawan niya ang Italyanong layko bilang huwaran ng isang Kristiyanong pinagsasama ang malalim na ugnayan sa Diyos at malasakit sa kapwa.

Ayon kay Cardinal Advincula, ang pakikipagtagpo sa Panginoon ay dapat magbunga ng higit na habag sa mga nagdurusa at nasa laylayan ng lipunan.

“If our holiness separates us from the people instead of drawing us closer to them, then it is not the holiness of Jesus,” pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ipinaliwanag niya na tulad ni San Pier Giorgio Frassati, ang pag-akyat sa “bundok” ng panalangin, Eukaristiya at mga sakramento ay dapat humantong sa paglilingkod sa mga mahihirap, maysakit, nag-iisa at iba pang higit na nangangailangan.

Binigyang-diin din ng kardinal na walang saysay ang panalangin at pakikiisa kay Kristo kung hindi ito nagiging daan upang maging higit na mahabagin sa kapwa.

“If our prayer does not make us more compassionate, then perhaps we have not truly met the Lord. If our Eucharistic communion does not open our eyes to those who hunger, then we have not truly become one with the Bread of Life,” ayon sa kardinal.

Ibinahagi rin ni Cardinal Advincula ang kanyang mga karanasan sa pagbisita sa mga pamayanang nasa kabundukan ng Ilocos, Capiz at Negros na nagpatibay sa kanyang paniniwalang ang paglapit sa Diyos ay laging humahantong sa mas malalim na pagmamahal sa kapwa.

“Going up to God always means learning to go down to our brothers and sisters with greater love,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.

Hinimok naman ng kardinal ang mga mananampalataya, lalo na ang mga kabataan, na tularan ang halimbawa ni San Pier Giorgio Frassati sa pamumuhay ng Beatitudes sa pamamagitan ng araw-araw na panalangin at kongkretong paglilingkod sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Sinabi ni Cardinal Advincula na ang sukdulan ng buhay Kristiyano ay hindi ang pag-angat ng sarili kundi ang mapagkumbabang pagyuko upang iahon ang iba matapos makatagpo ang Diyos.

“The true summit of the Christian life is not reached when we stand above others, but when, having encountered God, we bend down in love to lift others up,” ayon kay Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 58,292 total views

 58,292 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 80,358 total views

 80,358 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 96,054 total views

 96,054 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 103,006 total views

 103,006 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 162,911 total views

 162,911 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top