Dahas at armas, hindi magdudulot ng katarungan at pagkakasundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,210 total reads

Nanawagan si Taytay Bishop Broderick Pabillo na pairalin ang katarungan, dayalogo, at pagkakasundo bilang tunay na landas tungo sa pangmatagalang kapayapaan, sa halip na umasa sa dahas at paggamit ng armas.

Sa pagninilay ng ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon, iginiit ng obispo na hindi nalulutas ng karahasan ang mga ugat ng sigalot maging sa pandaigdigang pamayanan o sa Pilipinas.
“Hindi ang dahas at armas ang magbibigay ng kapayapaan, kundi ang katarungan at pakikipagkasundo. Hindi barilan kundi pag-uusap. Hindi pagbibintang tulad ng red-tagging kundi tiwala sa kapwa tao,” ayon kay Bishop Pabillo.

Tinukoy ng obispo ang nagpapatuloy na mga armadong tunggalian sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang tensyon sa Gitnang Silangan, bilang patunay na hindi nagdudulot ng pangmatagalang kapayapaan ang paggamit ng puwersang militar.

“Ang mga ito, na nagkakahalaga ng mga bilyong dolyar, ay hindi naman nagdala ng kapayapaan. Kailangan silang mag negotiate at mag-usap upang magkasundo… Mas mabisa ang paraan ng Espiritu kaysa sa paraan ng mundo,” dagdag pa ng obispo.

Inihalintulad din ni Bishop Pabillo ang sitwasyon sa Pilipinas kung saan sinabi nitong mas magiging mabisa ang pagtugon sa kahirapan at kawalan ng kabuhayan kaysa sa patuloy na paggastos sa armadong kampanya laban sa rebelyon.

“Kung ang perang ginamit sa pagbili ng armas at ang perang ginamit sa pagpapadala ng maraming sundalo ay ginamit na tumulong sa mga walang lupa at walang trabaho, sa pagtulong sa mga magsasaka, mga manggagawa, at mga mangingisda, nawala na ang rebelyon noon pa,” giit pa ni Bishop Pabillo.

Paliwanag ng obispo na ang tunay na tagumpay ayon sa Ebanghelyo ay hindi nakasalalay sa pagkatalo ng kaaway kundi sa pagtatagumpay ng katarungan at pagkakasundo.

“Ang tagumpay ng Diyos ay napapakita sa tagumpay ng katarungan. Nagkaroon ng kapayapaan, hindi dahil natalo ang kaaway, kundi dahil nagkaroon ng pakikipagkasundo,” ani Bishop Pabillo.

Hinimok din ng obispo ang mga mananampalataya na mamuhay ayon sa Espiritu ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapakumbaba at ganap na pagtitiwala sa Panginoon, sa halip na umasa lamang sa kapangyarihan, kayamanan, at sariling kakayahan.

Ayon kay Bishop Pabillo, ang kapayapaang ipinagkakaloob ni Kristo ay nakakamit sa pagsunod sa Kanyang kalooban, paglilingkod sa kapwa at pagtataguyod ng pagkakasundo sa halip na pagkakahati-hati at patuloy na karahasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 225,099 total reads

 225,099 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 256,830 total reads

 256,830 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 358,654 total reads

 358,654 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 399,216 total reads

 399,216 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 410,805 total reads

 410,805 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top