Paalabin ang ministry of presence, hamon ni Bishop Villareal sa kapwa obispo at par

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,428 total reads

Hinimok ni Kalibo Bishop Cyril Villareal ang mga obispo at pari na muling paigtingin ang “ministry of presence,” o ang pakikipamuhay at pakikilakbay kasama ng mga mananampalataya, bilang tunay na diwa ng synodality.

Sa pagninilay sa banal na misa sa ikalawang araw ng retreat ng mga obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Sta. Sa Teresita Parish sa Banadero, Misamis Occidental, sinabi ng obispo na hindi bagong programa ang synodality kundi pagbabalik sa paraan ng paglilingkod ni Hesus.

“For me, [synodality] is simply being with the people. It is the ministry of presence. It is journeying with our people,” ayon kay Bishop Villareal.
Paliwanag ng obispo na sa pamamagitan ng pakikipagtagpo sa mga karaniwang mamamayan, lalo na sa mga nasa laylayan ng lipunan, higit na nakikilala ng Simbahan ang presensya ng Diyos.

“This should remind us that it is through these little ones—those considered ‘lower’ than us, perhaps even those on the margins—that we encounter God,” ani ng obispo.
Ibinahagi rin ni Bishop Villareal ang kanyang karanasan bilang kura paroko kung saan naging malaking pagbabago sa buhay-parokya ang simpleng pananatili at pakikipag-usap sa mga tao matapos ang banal na misa.

Ayon sa kanya, mahalagang maramdaman ng mga mananampalataya na pinakikinggan at pinahahalagahan sila upang manumbalik ang kanilang sigla at maging aktibo sa buhay ng Simbahan.
“Indeed, it is when we give people our full and conscious attention that they feel they are important, that they are seen, that they matter—that they truly belong to the Church. Simple lang. Yet through these simple gestures, the Church is renewed and revitalized,” giit ni Bishop Villareal.

Tinukoy din ni Bishop Villareal ang tila hindi pakikinig ng mamamayan sa tinig ng simbahan lalo na sa mga mahahalagang usaping panlipunan.

Aniya, maaaring bunga ito ng unti-unting paglayo at pagkakaroon ng agwat sa pagitan ng mga pastol at ng kanilang kawan.

“Whether it concerns elections, extrajudicial killings, corruption, or environmental issues, when we speak about these matters, our words often seem to fall on deaf ears, even among many of the faithful. Perhaps it is because we have become too distant from them. They no longer feel that we are close to them or that they are important to us,” giit ng obispo.

Binigyang-diin din ng obispo na ang lakas ng ministeryo ni Hesus ay hindi lamang nakasalalay sa Kanyang mga himala kundi sa Kanyang pagiging malapit sa mga tao.
Paliwanag ni Bishop Villareal na ang larawan ni Hesus na nakasakay sa isang asno sa pagpasok sa Jerusalem ay sumasagisag sa isang haring mapagkumbaba, mapayapa at malapit sa karaniwang mamamayan.

Iginiit ng obispo na ang synodality ay paalala sa mga pastol hinggil sa kanilang tungkulin sa kawan.

“Thus, synodality is not really a new ministry. Rather, it is a reminder of who we truly are: good shepherds like Jesus,” dagdag pa ni Bishop Villareal.

Kasabay nito, hinimok ni Bishop Villareal ang kanyang mga kapwa obispo at pari na tularan ang halimbawa ni Kristo.

Hamon ng obispo sa bawat isa na piliin ang landas ng pakikipamuhay at pakikilakbay sa kapwa upang higit na maisabuhay ang diwa ng synodality at ang misyon ni Hesus sa sanlibutan.
Katuwang ni Bishop Villareal sa pagdiriwang ng banal na misa sina Bishop Narciso Abellana ng Romblon at Bishop Marvyn Maceda ng Antique.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 227,035 total reads

 227,035 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 258,766 total reads

 258,766 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 360,590 total reads

 360,590 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 401,153 total reads

 401,153 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 412,572 total reads

 412,572 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top