85-pesos na wage hike, minaliit ng labor groups

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,293 total reads

Minaliit ng Kilusang Mayo Uno at Church People-Workers Solidarity ang ipapatupad na 85-pesos na umento sa arawang minimum wage ng mga manggagawa sa National Capital Region na hahatiin sa dalawang beses.

Sa programang Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas, inihayag ni Jerome Adonis, national chairman ng KMU at CPWS na hindi sapat ang dagdag sahod dahil malayo ito sa sinasabing 1,297-pesos ang daily family living wage para matugunan ng isang pamilyang Pilipino ang pangunahing pangangailangan.

Ikinadismaya din ni Adonis ang magkakaibang minimum wage na ipinapatupad sa bawat rehiyon ngunit pare-pareho lamang ang gastusin sa pagkain, bahay, kuryente at edukasyon.

Iginiit ni Adonis na hindi rin natutugunan ng kasalukuyang sistema ang mandato ng 1987 Philippine constitution na magbigay ng karampatang living wage sa mga manggagawa,
“Deserve po ng bawat manggagawang Pilipino yung nakabubuhay na sahod. At pag sinabi yung nakabubuhay na sahod, ang sukatan niyan ay ang aktuwal na presyo ng pagkain, renta sa bahay, kuryente, tubig, at pampaaral ng mga bata,”pahayag ni Adonis sa Baranggay Simbayanan

Ipinunto rin ni Adonis na hindi tutol ang mga manggagawa sa pagprotekta sa maliliit na negosyo kaya dapat tumulong ang pamahalaan sa pamamagitan ng ibat-ibang uri ng financial subsidies para sa mga manggagawa upang hindi maipasa lamang sa mga employer ang buong gastos sa dagdag-sahod.

Binalewala din ng lider-manggagawa ang pangamba na maraming negosyo ang magsasara sa implementasyon ng wage na ipapatupad muna ang 60-pesos na umento ngayong buwan ng Hulyo habang sa January 2027 naman ang 25-pesos na wage increase.

Ikinatwiran ni Adonis na lalung nakakasama sa ekonomiya ang mababang pasahod dahil pinapahina nito ang purchasing power ng mga manggagawa na bumili ng produkto at serbisyo bunsod naman ng mataas na inflation.

“Ang nakalagay sa ating Constitution ay living wage. Saan mo susukatin ang living wage? Sa aktuwal na presyo ng pangangailangan para mabuhay ang pamilyang Pilipino, at hindi sa halagang 85 pesos,” bahagi pa ng panayam kay Adonis.

Naninindigan naman ang lider-manggagawa na nararapat lamang na makinabang ang mga manggagawa sa paglago ng ekonomiya at kita ng malalaking negosyo, sapagkat sila ang pangunahing lumilikha ng yaman sa bansa.

Naunang inihayag ni Prelatura of Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo na malaking tulong ito ngunit kinakailangan parin isipin ng pamahalaan ang kapakanan ng mga maliliit na negosyo, habang kinundena nina Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern Minister Father Erik Adoviso at Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER ang dagdag-suweldo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 227,847 total reads

 227,847 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 259,578 total reads

 259,578 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 361,402 total reads

 361,402 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 401,965 total reads

 401,965 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 413,326 total reads

 413,326 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 22,938 total reads

 22,938 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top