Patuloy na makilakbay kay Kristo, paanyaya ng Santo Papa sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,615 total reads

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na manatiling nakaugat kay Kristo sa gitna ng pagdurusa, digmaan, at iba pang hamon ng buhay.

Ito ang mensahe ng Santo Papa sa kanyang Angelus sa St. Peter’s Square sa Vatican noong July 5 kung saan iginiit na kay Hesus lamang matatagpuan ang tunay na kalayaan, pag-asa, at kapatawaran.
Binigyang-diin ni Pope Leo na ang pagsunod kay Hesus ay hindi lamang landas ng pagdurusa kundi daan tungo sa tunay na kalayaan.

“Our journey of following Christ is not an asceticism that mortifies. Rather, it is a school of freedom that takes seriously the drama of history and continually sheds light on its meaning, especially in its darkest moments,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ayon sa punong pastol, nananatiling kasama at nakikilakbay ang Panginoon sa bawat tao sa pagharap sa iba’t ibang hamon ng buhay, kaya’t hindi dapat mawalan ng pag-asa ang sinuman.

“The Lord himself carries it with us, never leaving us alone in what burdens us,” giit ng Santo Papa.

Paliwanag din ng Santo Papa na sa pamamagitan lamang ng krus ni Kristo tunay na nagagapi ang kasamaan at matatagpuan ang kaginhawahan, gayundin ang katubusan.

“Only in the cross of Jesus is evil overcome; only in his passion does our mortal weariness find consolation and redemption,” dagdag pa ni Pope Leo XIV.

Binigyang-diin pa ng Santo Papa na si Kristo ang sagot sa iba’t ibang anyo ng pagdurusa at krisis na kinakaharap ng daigdig sa kasalukuyan.

Hiniling din ni Pope Leo XIV ang panalangin para sa mga Kristiyanong patuloy na nakararanas ng pag-uusig sa iba’t ibang bahagi ng mundo kasunod ng beatipikasyon ni Fr. Francis Xavier Tru’o’ng Bǚu sa Vietnam.

Nag-alay rin ng panalangin ang Santo Papa para sa mga biktima ng lindol at sa mamamayan ng Venezuela, na patuloy na nakararanas ng matinding pagsubok, at dalangin niyang patuloy silang palakasin ng Panginoon sa gitna ng kanilang pagdurusa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 227,911 total reads

 227,911 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 259,642 total reads

 259,642 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 361,466 total reads

 361,466 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 402,029 total reads

 402,029 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 413,389 total reads

 413,389 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top