Huwag gawing political propaganda ang impeachment trial, apela ng CWS sa Senado

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,501 total reads

Nanawagan ang Church People-Workers Solidarity (CWS) sa Senado na tiyaking magiging patas, malaya, at naaayon sa konstitusyon ang pagdinig sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay CWS National Chairman at Caritas Philippine President – San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, ang impeachment ay mekanismo ng pananagutan sa halip na maging kasangkapan ng pulitika o pansariling interes ng may mga kapangyarihan.

Binigyang-diin ng CWS na ang mga alegasyon kaugnay ng paggamit ng confidential at intelligence funds ay nararapat na masusi , malinaw, at walang kinikilingang imbestigasyon.

“The allegations surrounding the use of confidential and intelligence funds—including the reported liquidation of millions of pesos through fictitious acknowledgment receipts and non-existent recipients—raise serious questions that deserve a full, transparent, and impartial examination. If proven true, these are not mere accounting irregularities but grave violations of the public trust.

Iginiit din ng CWS na ang usapin ay higit pa sa isang opisyal ng pamahalaan dahil sumasalamin ito sa malawak na suliranin ng korapsyon at kawalan ng pananagutan sa bansa.

Naninindigan ang Obispo na dapat managot ang lahat ng sangkot sa anumang anyo ng katiwalian, kabilang ang maling paggamit ng confidential funds, mga iregularidad sa flood control projects, procurement, campaign finance, pang-aabuso sa kapangyarihan, at iba pang paglustay sa pondo ng bayan.

Pinayuhan ng lider ng Caritas Philippines ang mga Senator judge na hindi dapat maging mapili ang pagpapatupad ng hustisya sapagkat.

“The issue before us goes far beyond one public official. It speaks to a deeper culture of corruption and impunity that has long deprived the Filipino people of opportunities for genuine development,” ayon sa mensahe ni Bishop Alminaza na pinadala ng CWS sa Radyo Veritas.

Hinimok din ng CWS ang mga senador na pairalin ang konsensya, integridad, at katapatan sa kanilang magiging pasya.
Pinaalalahanan naman ng CWS ang mamamayan na manatiling mapagmatyag, mapanuri, at aktibong makibahagi sa pagtatanggol ng katotohanan, transparency, at accountability sa pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 99,414 total reads

 99,414 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 149,779 total reads

 149,779 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 278,418 total reads

 278,418 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 363,804 total reads

 363,804 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 422,264 total reads

 422,264 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top