Piliin ang landas ng liwanag,kabutihan at katotohanan, Paalala ng Papal Nuncio sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,204 total reads

Hinimok ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang mga mananampalataya na manatiling nagtitiwala sa Diyos sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.
Ito ang mensahe ni Archbishop Brown sa closing of the pilgrimage season 2026 sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo City.

Inihayag ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas na ang Mahal na Birheng Maria ay nananatiling huwaran ng pananampalataya at ganap na pagtitiwala sa Diyos, matapos niyang tanggapin ang kalooban ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang tugon na, “Let it be done to me according to thy word.”

Ipinaalala rin ni Archbishop Brown na natatangi ang taong 2026 para sa dambana ng Antipolo dahil ginugunita nito ang ika-400 anibersaryo ng pagdating ng milagrosong imahen ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje mula Mexico noong 1626, gayundin ang ika-100 anibersaryo ng canonical coronation nito noong 1926.

“Nothing will be impossible for God. Trust in God. Those are the words that Mary heard before she answered God’s call, and I am sure she repeats them to every pilgrim who comes here to Antipolo. She speaks those words with gentleness, love, and the closeness of a mother,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Brown

Ayon sa Arsobispo, tulad ng patuloy na pagharap ni Maria sa laban ng kabutihan laban sa kasamaan, tinatawagan din ang bawat Kristiyano na piliin ang panig ng liwanag, kabutihan, katotohanan, at kabanalan habang nagpapatuloy ang kanilang paglalakbay sa pananampalataya.

Sinabi ni Archbishop Brown na paulit-ulit na ipinapaalala ni Maria sa mga debotong dumudulog sa kanyang mapaghimalang imahe ang mensahe ng lubos na pagtitiwala sa Panginoon.
Binigyang-diin din ng Arsobispo na ang bawat mananampalataya ay inaanyayahang tularan ang pagsunod ni Maria sa kalooban ng Diyos at maging saksi ng kabutihan sa gitna ng mga hamon ng kasalukuyang panahon.

“We have to be children of Mary under her protective mantle, fighting for what is right, fighting for what is good, fighting for what is beautiful, and rejecting evil, corruption, and sin in our lives as individuals and as a community,” bahagi pa ng pagninilay ni Archbishop Brown.

Pinangunahan ni Archbishop Brown ang Closing of the Pilgrimage Season 2026 kasama si Antipolo Bishop Ruperto Santos at mga Kaparian ng Diocese of Antipolo sa pamamagitan ng solemn candlelight rosary procession sa nasasakupan ng Antipolo Cathedral na itinampok ang 60-imahen ng 60-parokya nang Diyosesis.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 15,325 total reads

 15,325 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 17,653 total reads

 17,653 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 4,513 total reads

 4,513 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 86,208 total reads

 86,208 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 180,433 total reads

 180,433 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 240,922 total reads

 240,922 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 254,594 total reads

 254,594 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top