Ibahagi sa iba ang natutunang aral sa pilgrimage season 2026, paanyaya ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,438 total reads

Hindi nagwawakas sa pagtatapos ng Pilgrimage Season 2026 ng Diocese of Antipolo ang paglalakbay ng pananampalataya ng mga deboto sa Our Lady of Peace and Good Voyage.
Sa closing ng pilgrimage season 2026, hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na dalhin sa kanilang mga tahanan, pamayanan, at pang araw-araw na pamumuhay ang mga aral, panalangin, pagpapatawad, at pag-asa na kanilang naranasan sa paglalakbay sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage upang maranasan din ng iba ang pag-ibig at biyaya ng diyos.

“Nagtatapos na po, Hindi po ibig sabihin nito ay sarado na, Hindi po ibig sabihin nito ay hindi na puwedeng pumunta, ito pa ang simula, kung saan ay ilalakip natin dito ang ating mga natutunan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Santos.

Inihayag ng Obispo na ang bawat deboto ay tinatawagan na maging saksi ng kanilang karanasan sa Panginoon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang natanggap na biyaya sa kapwa at pag-akay sa iba na makiisa sa buhay ng Simbahan.

Lubos namang pinasalamatan ni Bishop Santos ang mga deboto, mga volunteer, at mga tumulong sa matagumpay na pagdaraos ng Pilgrimage Season, kabilang ang mga nag-alay ng kanilang panahon, kakayahan, at yaman upang maparangalan ang Mahal na Birheng Maria

“Tayo po ay babalik sa tao, sa ating bahay, sa ating bayan, upang sa ganoon, lahat ng ating naranasan, ang istorya ng ating paglalakbay, ang istorya ng ating Panginoon na nasa Sakramento, ang biyayang ating tinanggap, ang pagpapatawad na ating nasaksihan, at ang naramdamang kaligtasan na sumaatin ay ating ibabahagi, ating iaalay, at ating ihahandog sa ating kapwa,” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Santos.

Umaasa rin ang Obispo na patuloy na mararanasan ng bawat isa ang paggabay at pagpapala ng Birhen ng Antipolo, habang ipinapanalangin ang kapayapaan ng pamayanan at kaligtasan ng lahat sa kabila ng mga bantang kalamidad.

Pinangunahan ni Archbishop Brown ang Closing of the Pilgrimage Season 2026 kasama si Antipolo Bishop Ruperto Santos at mga Kaparian ng Diocese of Antipolo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 233,274 total reads

 233,274 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 265,005 total reads

 265,005 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 366,829 total reads

 366,829 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 407,392 total reads

 407,392 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 418,421 total reads

 418,421 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 23,517 total reads

 23,517 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top