Siyentipiko at legal na pamamahala sa mga punongkahoy, mahalaga sa “tree pruning”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,529 total reads

Iginiit ng Save the Trees Coalition (STC) ang kahalagahan ng siyentipiko at legal na pamamahala sa mga puno matapos nitong madokumento ang isang nighttime tree topping operation sa isang matandang puno ng Acacia sa kahabaan ng MacArthur Highway sa San Fernando City, Pampanga.

Ayon sa koalisyon, namataan noong July 2 ang mga tauhan ng City Public Order and Safety Coordinating Office (CPOSCO) na nag-aalis ng malalaking sanga ng puno, na isinagawa bilang tugon sa mga reklamong natanggap mula sa publiko.

Bagama’t kinilala ng kanilang registered professional forester ng STC na mapanganib na ang kondisyon ng puno dahil sa matinding pagkabulok, iginiit ng grupo na ang anumang pruning o pagputol ng puno ay dapat nakabatay sa siyentipikong pagsusuri, wastong dokumentasyon, at pagsunod sa umiiral na batas.

“Public complaints should trigger professional inspection—not automatically justify tree pruning or removal,” pahayag ng Save the Trees Coalition.

Inihayag din ng grupo na walang naipakitang tree-cutting permit mula sa Department of Environment and Natural Resources–Provincial Environment and Natural Resources Office (DENR-PENRO) habang isinasagawa ang kanilang pagdodokumento sa lugar.

Dahil dito, nanawagan ang STC sa pamahalaang lungsod na isabatas ang paggamit ng science-based Tree Risk Assessment (TRA) at malinaw na standard operating procedures sa pamamahala ng mga puno sa mga lansangan.

“Saving trees does not mean preserving every tree regardless of condition. It means ensuring that decisions affecting our urban trees are evidence-based, professionally justified, legally compliant, and made with the safety of the community in mind,” giit ng STC.

Sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’, binigyang-diin ni Pope Francis na ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang usaping pangkapaligiran kundi isang moral na tungkulin at mahalagang bahagi ng pagsusulong ng kabutihang panlahat

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 233,165 total reads

 233,165 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 264,896 total reads

 264,896 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 366,720 total reads

 366,720 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 407,283 total reads

 407,283 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 418,318 total reads

 418,318 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 143,478 total reads

 143,478 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top