Isang “himala” ang pagdalaw ng pilgrim image ng Mahal na Birhen ng Guadalupe-Archbishop Jumoad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,022 total reads

Inilarawan ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad na isang “himala” ang pagdalaw ng pilgrim image ng Mahal na Birhen ng Guadalupe dahil pinagbubuklod nito ang iba’t ibang sektor ng lipunan.

Sa panayam ng Radyo Veritas sa farewell mass ng pilgrim image sa Holy Child Parish sa Clarin, Misamis Occidental, sinabi ng arsobispo na ang presensya ng Ina ng Diyos ay nagiging daan upang manaig ang pagkakaisa ng sambayanan.

“Whenever the Mother comes, the miracle happens because she can unite our people—the politicians, the poor, everyone,” ayon kay Archbishop Jumoad.

Sinabi ng arsobispo na ang pagdalaw ng Mahal na Birhen ay hindi lamang isang pagdiriwang ng debosyon kundi isang paanyaya rin sa mga mananampalataya na magbuklod bilang isang sambayanan sa ilalim ng Diyos.

“I am always happy whenever the Blessed Mother visits our place, because it means she wants people to be united, to be one. Because when we are one, we can pray to God, and many blessings will come to our families,” giit ng arsobispo.

Hinimok din ng arsobispo ang mga mananampalataya na manatiling matatag sa pananalangin at higit pang palalimin ang ugnayan sa Panginoon, na siyang pangunahing hangarin ng Mahal na Birheng Maria para sa kanyang mga anak.

“Let us continue to pray because prayer will make us strong. Let us continue to approach the Lord because this is what the Blessed Mother, our Mother, wants,” saad ni Archbishop Jumoad.
Binigyang-diin pa ni Archbishop Jumoad na ang tunay na debosyon sa Mahal na Birhen ay dapat humantong sa mas malalim na pagsunod kay Hesus, ayon sa mensahe ng Mahal na Ina: ‘Do whatever He tells you.’

Nagpasalamat ang arsobispo sa mga debotong patuloy na nagpapakita ng kanilang pananampalataya at pakikiisa sa pagbisita ng pilgrim image ng Mahal na Birhen ng Guadalupe sa Arkidiyosesis ng Ozamiz mula July 6 hanggang 8.

Itinuring ni Archbishop Jumoad na malaking biyaya para sa kristiyanong pamayanan sa arkidiyosesis ang pagdalaw ng pilgrim image lalo’t kasabay ito ng pagtitipon ng mga obispo para sa ika-132 plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Patuloy ang paglalakbay ng pilgrim image ng Mahal na Birhen ng Guadalupe sa iba’t ibang diyosesis sa bansa bilang paghahanda sa pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng aparisyon ng Mahal na Birhen kay San Juan Diego sa Tepeyac, Mexico.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 233,152 total reads

 233,152 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 264,883 total reads

 264,883 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 366,707 total reads

 366,707 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 407,270 total reads

 407,270 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 418,307 total reads

 418,307 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top