Tugunan ang ugat ng karahasan sa mga paaralan, hamon ng mambabatas sa DepEd

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,459 total reads

Nanawagan si ACT Teachers Party-list Representative at Deputy Minority Leader Antonio Tinio sa Department of Education (DepEd) na hindi lamang pagtuunan ng pansin ang pagsasagawa ng active shooter drills kundi ang pagtugon sa ugat ng karahasan sa mga paaralan.

Ayon kay Tinio, mahalagang maturuan ang mga guro at mag-aaral ng tamang pagtugon sa mga emergency, ngunit hindi sapat ang mga drill kung hindi naaayos ang mga problemang nagiging sanhi ng karahasan.

“Preparedness is necessary, but it is no substitute for prevention. School safety cannot rely on emergency protocols alone. It requires confronting the systemic conditions that enable violence,” ayon kay Tinio.

Dagdag pa ng mambabatas, “Dapat tukuyin at ayusin ng gobyerno ang mga ugat ng karahasan. Kailangan ng mas malaking budget para sa edukasyon, mas maraming guro, mas malakas na mental health support, at tunay na accountability. Ito ang tunay na solusyon, hindi lamang drills.”

Binigyang-diin ng mambabatas na kailangang tugunan ng DepEd ang kakulangan sa pondo, kakapusan ng mga guro, limitadong mental health services, mahinang seguridad sa mga paaralan, at kawalan ng pananagutan sa mga insidente ng karahasan.

Iginiit ni Tinio na dapat manatiling ligtas at mapayapang lugar ang mga paaralan at hindi mga institusyong nakasandig lamang sa mga emergency drill.

Nanawagan din ang kongresista sa pamahalaan na palakasin ang pamumuhunan sa edukasyon, dagdagan ang bilang ng mga guro, palawakin ang mental health support, at tiyaking may pananagutan ang mga responsable sa karahasan upang tunay na maprotektahan ang mga mag-aaral at mga guro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 42,268 total reads

 42,268 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 139,691 total reads

 139,691 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 183,960 total reads

 183,960 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 207,069 total reads

 207,069 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 280,349 total reads

 280,349 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top