Mula Batanes hanggang… saan?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 223,199 total reads

Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China. 

Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi nilang ang mga isla ng Batanes ay “natural geographical extension” o karugtong ng Taiwan. Wala raw batayan sa kasaysayan o anumang batas ang pagpapaloob ng Batanes sa pamamahala ng Pilipinas. At bilang teritoryo din daw nila ang Taiwan, maituturing na parte ng China ang Batanes. 

Hindi man gobyerno ng China ang naglabas ng panibagong propaganda na ito, hindi ito binalewala ni Secretary Gibo Teodoro Jr ng Department of National Defense. Aniya, walang batayan ang sinabi ng mga akedemiko sa China. Ito ay isang “joke” at “ludicrous” o katawa-tawa. Ang ganitong mga pahayag, dagdag ng kalihim, ay patunay ng paniniwala ng ating pamahalaan na intensyon talaga ng China na palawakin ang impluwensya nito sa mga karagatan.

Malaking bansa ang China. Ang kalupaan nito ay halos 9.6 million square kilometers. Ito ang pang-apat na pinakamalaking bansa. Kasya sa sukat na ito ang 32 na Pilipinas, na may land area naman na 300,000 square kilometers. Maliban sa mga teritoryo ng Pilipinas, inaangkin din ng China ang mga lupa sa border nito sa India, Bhutan, Tajikistan, at Nepal. Bakit ganoon na lamang ka-obsessed, ‘ika nga, ang China sa pag-angkin ng mga teritoryo ng mga karatig na bansa nito gayong napakalawak na ng sakop nito?

Pulitika at ekonomiya ang mga pangunahing dahilan. Sa usapin ng West Philippine Sea at mga islang nakapaloob dito, gusto ng China na lumaki ang kontrol nito sa pandaigdigang kalakalan o shipping lanes. Halos 20% ng mga pandaigdigang kalakal ay dumadaan sa South China Sea. Kung kontrolado nila ang ruta, hawak nila ang daloy ng mga produkto. Sagana rin ang karagatan sa isda, langis, at natural gas na mahalaga para sa patuloy na pag-unlad ng kanilang ekonomiya. Nais din nilang palawakin ang kanilang teritoryo upang magkaroon ng harang laban sa mga kalaban nito gaya ng Japan at Estados Unidos. Ang pagtatayo ng mga base militar sa mga isla ay nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan sa rehiyon. Iginigiit din ng China ang kanilang mga historikal na pag-aari, bilang bahagi ng kanilang pagnanais na burahin ang tinatawag nilang “century of humiliation” kung kailan sinakop sila ng mga dayuhan.

Ano naman ang ipinaglalaban natin? Ang ipinaglalaban ng Pilipinas ay ang karapatang pamahaláan at pakinabangan ang mga yaman sa loob ng sarili nating exclusive economic zone (o EEZ) batay sa mga pandaigdigang batas. Hindi natin habol ang mas malaking kontrol sa kalakalan o militar na depensa. Ang paggigiit natin ay para sa mga kababayan nating nakasalalay ang kanilang kabuhayan sa pangingisda. Ang paggigiit natin ay para sa responsableng paglinang sa mga likas-yaman para suportahan ang ating ekonomiya. Gumagamit ang Pilipinas ng mapayapang paraan at diplomasya habang nagpapatatag ng alyansa sa mga bansa upang mapanatili ang kapayapaan at malayang paglalayag (o freedom of navigation) sa rehiyon. Sinusuportahan naman ang tugon na ito ng pamahalaan ng 66% ng mga Pilipino, batay sa isang survey ng Octa Research.

Mga Kapanalig, laging sinusubok ng China ang paninindigan ng Pilipinas para sa mga teritoryo nito. Pero sabi nga sa Santiago 3:18, “Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinatanim ng taong maibigin sa kapayapaan.” Ang Catholic social teaching naman na Pacem in Terris ay nagpapaalalang ang ugnayan sa pagitan ng mga estado ay dapat gabayan hindi ng puwersa ng armas, kundi ng liwanag ng katwiran—ibig sabihin, ng katotohanan, ng katarungan, at ng tapat na pagtutulungan. Naniniwala tayong sa pagkiling sa kapayapaan, maipagtatanggol natin hindi lang ang West Philippine Sea at Batanes kundi ang soberenya ng ating bansa.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 5,269 total reads

 5,269 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 44,859 total reads

 44,859 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 80,293 total reads

 80,293 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 306,563 total reads

 306,563 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 199,678 total reads

 199,678 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 5,270 total reads

 5,270 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 44,860 total reads

 44,860 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 80,294 total reads

 80,294 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 306,564 total reads

 306,564 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top