Upper-Middle Income Class Status, hindi sukatan ng tunay na pag-unlad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,549 total reads

Iginiit ni IBON Foundation Executive Director Sonny Africa na hindi dapat ituring na sukatan ng tunay na pag-unlad ng bansa ang pagiging ‘Upper-Middle-Income-Class Status’ na iginawad ng World Bank.

Nilinaw ni Africa sa panayam sa Programang Baranggay Simbayanan ng Radyo Veritas na ang batayan ng World Bank ay ang gross national income per capita, na ginagamit lamang bilang pamantayan sa pagtukoy ng mga kondisyon sa pagpapautang at hindi bilang sukatan ng antas ng kabuhayan ng mga Pilipino.

Ayon kay Africa, natatakpan ng paggamit ng average income ang malawak na agwat sa kita ng mayayaman at mahihirap dahil kahit tumaas ang antas ng ekonomiya sa papel, nananatiling mabigat ang epekto ng mataas na presyo ng mga bilihin, mababang sahod, at kakulangan ng disenteng trabaho sa maraming Pilipino.

Binigyang-diin din niya na mahalaga ang kalidad ng paglago ng ekonomiya at kung ito ba ay tunay na nakikinabang ang nakararami.

“Well, actually, hindi naman. Kasi, alam naman ni Juan at Juana, hindi naman nagbago ang kalagayan nila. Alam nila, kulong pa rin yung pambili sa araw-araw na gastusin, na nagmamahal pa, at lalo pang magmamahal, lalo na sumabog uli yung laban ng, yung atake ng U.S. troops sa Iran. At sa madalas yung panahon, kulong pa rin yung trabaho at kulong pa rin yung suporta sa gobyerno,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Africa.

Pinuna rin ng IBON Foundation ang inihahaing Pax Silica initiative, na aniya’y maaaring maulit lamang ang matagal nang modelo ng pagpasok ng dayuhang pamumuhunan na hindi nagbubunga ng paglago ng lokal na industriya at paglilipat ng teknolohiya sa mga Pilipino.

Iginiit ni Africa na dapat tiyakin ng pamahalaan na ang mga dayuhang pamumuhunan ay magpapalakas sa lokal na manufacturing sector at magbibigay ng oportunidad para sa pagbuo ng sariling teknolohiya ng bansa.

“Kaya, tama kayo, luma na yung balita, pero I doubt sa nakaraang dalawang linggo na in-announce na upper middle income tayo. Duda ako kung may kahit isang Pilipino nagsabi, ay, okay na ako, upper middle na buhay ko.” bahagi pa ng panayam kay Africa.

Ayon pa kay Africa, mahalaga ring palakasin ang lokal na agrikultura at industriya upang mabawasan ang pagdepende ng bansa sa inaangkat na produkto at mapatatag ang halaga ng piso dahil ang pangmatagalang pag-unlad ay nakasalalay sa mga patakarang magpapalawak ng lokal na produksyon at magbibigay ng mas maraming de-kalidad na trabaho para sa mga Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 42,916 total reads

 42,916 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 147,670 total reads

 147,670 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 233,780 total reads

 233,780 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 303,914 total reads

 303,914 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 335,808 total reads

 335,808 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top