Kabataan sa Albay, nagsama-sama sa sining talakayan at voters education

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,657 total reads

Nagsama-sama ang mga kabataan sa Guinobatan, Albay para sa isang makabuluhang araw ng sining, talakayan, at voter education sa ilalim ng programang “Kabataang Mulat: Empowering Voices, Educating Voters!”

Layunin ng aktibidad na palalimin ang kamalayan ng mga kabataan hinggil sa kanilang mahalagang papel sa paghubog ng kinabukasan ng bayan sa pamamagitan ng responsable at mapanuring pakikilahok sa mga usaping pampulitika.

Ayon sa Non-Government Oganization na Kaya Natin Youth Albay na nagsilbing tagapag-organisa ng gawain, hindi sapat na maging tagapanood lamang ang mamamayan sa mga nangyayari sa lipunan sapagkat sa bawat desisyong pampulitika ay nakataya ang kinabukasan, mga pangarap, at kaligtasan ng sambayanan.

“Panahon na upang bawiin natin ang kapangyarihang matagal nang nasa ating mga kamay,” Bahagi ng pahayag ng organisayon.

Katuwang ng grupo sa pagsasagawa ng programa ang MORMS Salin Sining Creatives Production, Social Action Center (SAC) ng Diyosesis ng Legazpi, Local Youth Development Office (LYDO), KNY Camalig, Office of the 3rd District Representative, at ang LGU Guinobatan.

Binigyang-diin sa talakayan na ang boto ay hindi lamang simpleng marka sa balota kundi isang makapangyarihang kasangkapan upang maisulong ang mas maayos na edukasyon, transportasyon, at pamumuhay para sa lahat.

Hinamon din ng grupo ang mga kabataan na maging tunay na “Batang Mulat” hindi lamang sa loob ng bulwagan kundi maging sa kanilang mga tahanan, paaralan, at komunidad sa pamamagitan ng pagbabahagi ng katotohanan at paghahanap ng pananagutan sa mga namumuno sa bayan.

“Huwag na nating hayaang masayang ang ating boses at kapangyarihan—ngayong nakadilat na ang ating mga mata sa katotohanan, huwag na nating hayaang pumikit,” Dagdag pa ng grupo.

Ang gawain ay nagsilbing paalala rin na ang kinabukasan ng bayan ay hindi lamang hinihintay kundi sama-samang isinusulong at binubuo ng mga mamamayang may kamalayan, pananagutan, at malasakit sa kapwa.

Isinagawa ang “Kabataang Mulat: Empowering Voices, Educating Voters!” noong Hulyo 11, 2026 sa Guinobatan, Albay bilang isang makabuluhang araw ng sining, talakayan, at sama-samang paggising ng kamalayan ng kabataan.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 24,178 total reads

 24,178 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 172,337 total reads

 172,337 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 207,013 total reads

 207,013 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 223,174 total reads

 223,174 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 259,659 total reads

 259,659 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 267,941 total reads

 267,941 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 24,180 total reads

 24,180 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top