Mataas na approval rating ni VP Duterte, hindi maaring gamitin ng depensa sa impeachment trial

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,217 total reads

Iginiit ng House prosecution na hindi maaring gamiting depensa sa impeachment ang mataas na approval o trust rating ng isang opisyal ng pamahalaan.

Ito ang pahayag ni House prosecution legal spokesperson Atty. Benjamin Tolosa matapos gamitin ng depensa ang resulta ng isang survey sa pagtatanong kay National Bureau of Investigation o NBI Director Melvin Matibag kaugnay ng reklamong betrayal of public trust laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Tolosa, kung mas marami ang nagtiwala sa isang opisyal, mas mabigat din ang pananagutan kapag nalabag ang tiwalang ipinagkaloob ng publiko.

“Actually, kung mas madaming nagtiwala, hindi ba mas madaming tiwala ang pinagtaksilan?” Ayon sa pahayag ni Tolosa.
Binigyang-diin niya na malinaw sa Konstitusyon na ang panunungkulan sa pamahalaan ay isang pampublikong tiwala at dapat laging may pananagutan ang mga opisyal sa sambayanan.

Kaugnay ito ng Article IV ng Articles of Impeachment na tumatalakay sa umano’y pagbabanta ni Vice President Duterte kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon pa kay Tolosa, ang pangunahing usapin sa paglilitis ay kung nanatiling tapat ang Bise Presidente sa kanyang sinumpaang tungkulin na ipatupad ang batas.

“Ang pinag-uusapan dito na betrayal of public trust, ang pinagagalingan ‘yan sa Constitution, nakalagay dyan, public office is a public trust. Public officials should always be accountable to the people whom they serve,” ayon kay Tolosa.

Samantala, sinabi naman ni House trial spokesperson at Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na mahalagang isaalang-alang kung kailan isinagawa ang survey, dahil posibleng ginawa ito bago pa mailahad ang mga ebidensya sa impeachment trial.

Dagdag pa ni Adiong, pabago-bago ang resulta ng mga survey kaya hindi ito maaaring maging batayan sa paghusga sa pananagutan ng isang opisyal.

Ayon sa pinakahuling survey, lumalabas na may 58 percent trust rating si VP Duterte sa Pulse Asia, habang 57 percent naman ang naitala sa Social Weather Station.

Iginiit naman ng House prosecution na ang kasikatan o mataas na trust rating ay hindi nag-aalis ng pananagutan ng isang halal na opisyal, lalo na kung may alegasyon ng paglabag sa tiwalang ipinagkaloob ng sambayanan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 7,809 total reads

 7,809 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 62,027 total reads

 62,027 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 147,392 total reads

 147,392 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 194,129 total reads

 194,129 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 242,000 total reads

 242,000 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 342,894 total reads

 342,894 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top