Isabuhay ang kultura ng pagkakaibigan, paanyaya ni Cardinal Advincula sa PCNE 2026 participants

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,544 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga Katoliko na isabuhay ang tunay na Kristiyanong pagkakaibigan sa pamamagitan ng mahinahong pag-akay sa kapwa sa halip na pilitin ang kanilang pagbabago.

Ito ang binigyang-diin ng arsobispo sa pagbubukas ng 12th Philippine Conference on the New Evangelization (PCNE XII) sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion.

Sa kanyang homiliya, sinabi ng kardinal na ang ebanghelisasyon ay dapat isabuhay sa diwa ng pagtitiis, pagtitiwala sa Diyos at pagtutulungan, na inilarawan niya sa tatlong Marian virtues na hinay-hinay, kanunay, at buligay, na siya ring tema ng PCNE XII na “Sangkay” o pagkakaibigan.

Binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang tunay na pagmamahal ay hindi namimilit kundi nag-aakay.

“But Mary reminds us that, in true friendship, love never forces; but simply accompanies. Ang totoong kaibigan ay marunong maghintay, dahil ang paghihintay ay pagmamahal din. Gradualness is a language of love. Sa pagmamahal, hindi minamadali o pinipilit ang tao,” ayon kay Cardinal Advincula.

Ayon sa kardinal, mahalagang matutuhan ng Simbahan ang pamamaraan ni Maria sa pag-akay sa kapwa, lalo na sa mga nahihirapang lumago sa pananampalataya.

“Like Mary, may we learn to accompany our friends rather than control them, to encourage them rather than pressure them, and to trust that God will complete the work he has begun in every heart,” dagdag pa ng arsobispo.

Tinukoy din ni Cardinal Advincula na dumarating sa bawat tao ang yugto ng panghihina sa pananampalataya, bokasyon at mga ugnayan, subalit iginiit na hindi ito dapat maging dahilan upang talikuran ang Diyos.

“When the joy diminishes, or the enthusiasm fades, our first response should not be to give up or walk away, but to turn to Jesus,” aniya.

Ayon pa sa arsobispo, isa sa mga hamon ng kasalukuyang panahon ay ang paghahanap ng panibagong karanasan sa halip na manatiling tapat sa mga pangakong ginawa.

Ipinaalala ni Cardinal Advincula na ang matatag na pananampalataya ay nasusukat sa patuloy na pananalangin, paglilingkod at pagmamahal kahit sa gitna ng karaniwang takbo ng buhay.

Hinikayat ng kardinal ang mga mananampalataya na isabuhay ang kultura ng pagtutulungan sa loob ng Simbahan, sa halip na umasa lamang sa iilang tao sa gawaing misyonero.
“Christian friendship is never a one-way relationship but a shared journey in which we become instruments of God’s grace for one another,” giit ni Cardinal Advincula.

Iginiit din ng arsobispo na ang pakikibahagi sa misyon ng Simbahan ay bunga ng pakikipagkaibigan kay Kristo at hindi lamang pagtupad sa isang tungkulin.

“Indeed, Jesus has called us to be his friends, not his slaves. We are friends who share in the mission of Jesus, not slaves or employees who labor to impress or please a boss,” ayon pa sa kardinal.

Sinabi ni Cardinal Advincula na ang Simbahang nakaugat sa tunay na pagkakaibigan ay isang pamayanang walang iniiwan at sama-samang nagdadala ng pasanin ng bawat isa.
“In a Church that is built on the mutuality of friendship, no one walks alone. We pray for one another, encourage one another, forgive one another, and strengthen one another,” giit ng kardinal.

Ang PCNE XII, na may temang “Sangkay,” ay naglalayong palalimin ang diwa ng Kristiyanong pagkakaibigan bilang landas ng bagong ebanghelisasyon at misyon ng Simbahan sa Pilipinas.
Kabilang sa mga tampok sa unang araw ng pagtitipon ang keynote address ni Naval Bishop Rex Ramirez at ang Heart to Heart talk kasama si Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect ng Dicastery for Evangelization ng Vatican.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 6,751 total reads

 6,751 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 60,549 total reads

 60,549 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 145,914 total reads

 145,914 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 192,651 total reads

 192,651 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 240,522 total reads

 240,522 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 341,484 total reads

 341,484 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top