Samar Bishops, nanindigan laban sa mining operation sa Eastern Samar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,181 total reads

Nagkaisa ang tatlong obispo ng Samar Island sa pagsuporta sa panawagan ng Diocese of Borongan na tutulan ang mga aktibidad ng pagmimina sa Eastern Samar sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga resolusyon ng mga lokal na pamahalaan.

Sa inilabas na Letter of Endorsement, buong pusong inendorso ng Samar Island Partnership for Peace and Development (SIPPAD) ang pastoral position statement ng Diocese of Borongan na nananawagan sa mga Municipal at Barangay Council ng Giporlos at Balangiga na tutulan ang pagmimina sa kanilang mga nasasakupan.

Ayon sa SIPPAD, ilang dekada nang nasasaksihan ng mga mamamayan ng Samar ang pangmatagalang epekto ng pagmimina sa kalikasan, kabuhayan, at mga pamayanan.

“The experiences of Homonhon, Manicani, and other areas where mining has been undertaken or proposed remind us that decisions regarding our natural resources have lasting consequences for ecological integrity, food security, and the well-being of present and future generations,” ayon sa SIPPAD.

Binigyang-diin ng grupo na patuloy na dumarami ang mga exploration permit at interes sa pagmimina sa mainland Samar kaya kinakailangan ang mapanuring pakikilahok ng publiko at responsableng pamumuno ng mga lokal na opisyal.

Iginiit din ng SIPPAD na ang tunay na kaunlaran ay hindi lamang nasusukat sa kita kundi sa pangangalaga sa tao, kalikasan at katarungan.

“Development should never come at the expense of human dignity or the integrity of creation. True progress is measured not only by economic gains but also by the protection of communities, ecological sustainability, and peace founded on justice,” saad ng grupo.

Dahil dito, hinikayat ng SIPPAD ang mga municipal at barangay council sa buong Samar Island na gamitin ang kanilang kapangyarihan upang magpatibay ng mga patakarang mangangalaga sa kapaligiran at kapakanan ng mga mamamayan.

Nanawagan din ang grupo sa lahat ng sektor na magsulong ng isang uri ng kaunlarang magtitiyak ng malilinis na ilog, protektadong kagubatan, masaganang pangisdaan, produktibong sakahan, at ligtas na kinabukasan para sa susunod na henerasyon.

Ang liham ng pag-endorso ay nilagdaan nina Calbayog Bishop Isabelo Abarquez, Borongan Bishop Crispin Varquez, at Catarman Bishop Nolly Buco bilang pagpapakita ng pagkakaisa ng Simbahan sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at kabutihang panlahat.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 7,624 total reads

 7,624 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 61,821 total reads

 61,821 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 147,186 total reads

 147,186 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 193,923 total reads

 193,923 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 241,794 total reads

 241,794 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 342,697 total reads

 342,697 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 170,128 total reads

 170,128 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top