Pagkalat ng fake news, malaking hamon sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,697 total reads

Patuloy na malaking hamon sa bansa ang pagkalat ng fake news o disinformation, lalo na sa panahon kung kailan social media na ang pangunahing pinagkukunan ng impormasyon ng maraming Pilipino.

Batay sa survey ng Pulse Asia, nasa 72 porsyento ng mga Pilipino ang nagsabing malaking problema ang fake news. Gayunman, lumalabas din sa parehong pag-aaral na 44 porsyento ang madaling maniwala sa mga balitang nakikita nila sa internet.

Sa Pilipinas, malaking bahagi ng online activity ay nasa mga platform tulad ng Facebook, kung saan mabilis kumalat ang impormasyon—totoo man o hindi.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas kay UP Journalism Prof. Danilo Arao, ipinapakita ng pag-aaral ang malaking agwat sa pagitan ng pagkilala sa problema at kakayahan ng publiko na matukoy kung alin ang totoo at alin ang mapanlinlang na impormasyon.

Isa sa mga dahilan, ayon pa kay Arao kung bakit madaling kumalat ang disinformation ay ang tinatawag na confirmation bias, kung saan mas madaling paniwalaan ng isang tao ang impormasyong tugma sa kanyang sariling paniniwala kahit kulang ito sa ebidensya.

“Medyo delikado po ito kasi sa komunikasyon may tinatawag tayong tendensya na confirmation bias, sa parang ang tinataniwalaan mo yung mga bagay na magva-validate sa iyong paniniwala. Nawawala yung pagiging open-minded o pagiging critical na hinahanap dapat natin yung katotohanan batay sa ebidensya,” ayon pa kay Arao.

Dagdag pa rito, may mga sistematikong paraan ng pagpapalaganap ng maling impormasyon, kabilang ang paggawa ng content na gumagamit ng takot at emosyon upang makahikayat ng mas maraming manonood at kumita mula sa atensyon ng publiko.

“Ganito katinde yung disinformation, kaya kahit na ikaw ay well-educated, napapaniwala ka pa rin. Kasi meron talagang conscious effort na magpalaganap ng kasinungalingan at may kumikita mula sa pagpapalaganap na ito. Para lamang sa content, may ilagay ka lang na content, kikita ka.”pahayag ni Arao

Hakbang laban sa fake news

Ayon kay Arao, mahalaga ang pagpapalakas ng media literacy, fact-checking, at responsableng paggamit ng impormasyon. Kabilang dito ang tinatawag na multi-sourcing o paghahanap ng impormasyon mula sa iba’t ibang mapagkakatiwalaang sanggunian bago maniwala o magbahagi ng isang balita.

Aniya, kung may impormasyon mula sa social media, dapat itong beripikahin sa mga opisyal na ahensya ng pamahalaan, lehitimong media organization, at iba pang primary sources.

“Kumbaga naloloko tayo, nabubuyo tayo every now and then, pero nandyan din naman yung conscious effort para labanan yung disinformation through media literacy, media education. Tapos nandyan din naman yung effort din ng iba’t ibang mga media organizations at saka mga universidad na labanan through fact-checking,” ayon kay Arao.

Binibigyang-diin din ang kahalagahan ng responsableng gatekeeping sa media at social media platforms—ang pagsusuri kung alin ang mapagkakatiwalaang impormasyon at alin ang dapat limitahan dahil naglalaman ng maling datos.

Paglilinaw ni Arao, ito ay hindi censorship, kundi bahagi ng responsableng pamamahala ng impormasyon upang maprotektahan ang publiko laban sa panlilinlang.

“Kung tayo ay critical mass of audiences, we can form our own opinion based on, or we can form our own analysis based on the various data and various stances na nakuha natin.”dagdag ni Arao

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,577 total reads

 22,577 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,704 total reads

 22,704 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 3,663 total reads

 3,663 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 40,254 total reads

 40,254 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 96,660 total reads

 96,660 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 220,149 total reads

 220,149 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,579 total reads

 22,579 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,706 total reads

 22,706 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top