Katipunan Formation Program for Good Citizenship, ilulunsad ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,870 total reads

Ilulunsad ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa (AVPP) sa August 11 ang Katipunan Formation Program for Good Citizenship ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), bilang bahagi ng pagpapalalim ng pananagutan ng mga mamamayan sa lipunan sa diwa at gabay ng pananampalataya.

Gaganapin ang paglulunsad sa Seminario de San Jose kung saan inaasahang dadalo ang humigit-kumulang 250 kinatawan mula sa iba’t ibang parokya ng bikaryato.

Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, MSP, layunin ng programa na mahubog ang mga mananampalataya upang maging higit na aktibo at responsable sa pakikilahok sa buhay panlipunan, habang nananatiling nakaugat sa mga pagpapahalagang Kristiyano.

“Our Christian convictions serve as a catalyst for us to contribute meaningfully to society, and the Katipunan module presents a valuable resource to facilitate this aspiration. Consequently, it is my earnest hope that a significant number of our community will discover it to be beneficial,” ayon kay Bishop Mesiona.

Ang Katipunan Formation Program ay inilunsad ng CBCP bilang isang faith formation initiative na naglalayong hubugin ang mga Pilipino bilang mabubuting mamamayan na ginagabayan ng pananampalataya, integridad, at malasakit sa kapakanan ng nakararami.

Nauna nang binigyang-diin ni CBCP President at Lipa Archbishop Gilbert Garcera na hindi isang kilusang pampulitika ang programa kundi isang proseso ng paghuhubog sa mga mamamayang makikilahok sa lipunan, ay nakabatay sa mga pagpapahalagang Kristiyano.

Pangungunahan nina Madeliene Ibe at mga kasamahan mula sa Kaya Natin! Movement ang formation session. Katuwang ng CBCP ang naturang non-profit organization sa pagpapatupad ng programa upang isulong ang mabuting pamamahala, etikal na pamumuno, at pananagutan sa lipunan.

Sa pamamagitan ng paglulunsad ng programa sa Puerto Princesa, makikiisa ang bikaryato sa mas malawak na inisyatiba ng CBCP na itaguyod ang kultura ng integridad, pananagutan, at paglilingkod sa hanay ng mga Pilipinong Katoliko sa pamamagitan ng paghubog ng mabuting pagkamamamayan na nakasandig sa pananampalataya.

Kasama ang ulat ni Katya Santos

RCAM, magsasanay ng emergency management

 21,770 total reads

 21,770 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 21,897 total reads

 21,897 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 38,973 total reads

 38,973 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,379 total reads

 95,379 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 218,880 total reads

 218,880 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 302,325 total reads

 302,325 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top