Pagpataw ng VAT sa kuryente, gagawing isang beses na lamang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,642 total reads

Pinag-aaralan ng Mababang Kapulunang ang posibilidad na gawing isang beses na lamang ang pagpataw ng Value Added Tax o VAT sa kuryente upang mapagaan ang pasanin ng mga konsyumer, bukod pa sa planong alisin ang system loss charges sa bayarin sa kuryente.

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Miro Quimbo, iminungkahi ng mga pinuno ng Kamara na ilipat ang 12 porsiyentong VAT sa bahagi ng generation o paggawa ng kuryente, sa halip na ipataw sa bawat bahagi ng proseso kabilang ang transmission at distribution.

“Tingnan natin kung saang areas, without reducing VAT necessarily, saan tayo puwedeng maka-reduce ng epekto nito sa ating mga kababayan,” ayon pa sa mambabatas.

Sa kasalukuyang sistema, tatlong bahagi ng industriya ng kuryente ang saklaw ng VAT, ngunit sa huli ay ipinapasa rin ang gastos sa mga mamimili.

“Sa bawat step na yan ay nag-impose tayo ng 12 percent, so pagdating sa dulo, sa consumer, binabayaran niya lahat yun. So ang gusto natin ay the rational way to really impose VAT (on electricity) is impose lang natin siya dun sa generation side,” paliwanag ni Quimbo.

Ipinaliwanag ni Quimbo na layunin ng panukala na mabawasan ang epekto ng buwis sa mga kabahayan at iba pang gumagamit ng kuryente nang hindi kinakailangang alisin ang VAT sa kabuuan.

Kasabay nito, suportado rin ng Kamara ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alisin ang system loss charges sa singil sa kuryente.

Ayon pa sa mambabatas na sisikapin ng Kamara na maipasa ang panukalang mag-aalis sa naturang singil bago matapos ang taon.

Layunin ng mga hakbang na mapababa ang kabuuang halaga ng binabayaran ng mga Pilipino sa kuryente, na kabilang sa mga pangunahing usapin sa harap ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa bansa.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 21,779 total reads

 21,779 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 21,906 total reads

 21,906 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 38,987 total reads

 38,987 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,393 total reads

 95,393 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 218,894 total reads

 218,894 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 302,339 total reads

 302,339 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 21,780 total reads

 21,780 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 21,907 total reads

 21,907 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top