PAHRA, nanawagan sa administrasyong Marcos at Kongreso na ipasa ang Human Rights Defenders Protection bill

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,873 total reads

Nanawagan ang Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa Kongreso na agarang isulong ang Human Rights Defenders Protection Bill, kasunod ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo at ng pag-aresto sa ilang mga nagprotesta sa isinagawang SONA rally.

Ayon kay PAHRA Secretary General Edgar Cabalitan, bagama’t kinikilala ng organisasyon ang mga pangako ng Pangulo na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino, nananatili namang kulang ang mga ito dahil hindi nabigyang-pansin ang patuloy na kalagayan ng mga tagapagtanggol ng karapatang pantao at ang pangangailangang maipasa ang panukalang batas na magbibigay sa kanila ng legal na proteksyon.

Binigyang-diin ng PAHRA na patuloy na nahaharap ang mga human rights defenders sa harassment, surveillance, red-tagging, arbitrary arrests, at criminalization, kaya’t mahalagang magkaroon ng batas na magtitiyak sa kanilang kaligtasan habang isinusulong ang karapatan ng mamamayan.

“Without legal protection for human rights defenders, these pronouncements risk becoming little more than public relations statements. If the government is serious about protecting people’s rights, it must also protect the people who defend those rights every day,” Dagdag ni Cabalitan.

Kasabay nito, kinondena rin ng PAHRA ang pag-aresto sa ilang mga nagprotesta sa kasagsagan ng SONA, na ayon sa grupo ay isinagawa sa mga kuwestiyonableng batayan habang ginagamit lamang ng mga ito ang kanilang karapatan sa mapayapang pagtitipon at malayang pagpapahayag.

“A government cannot claim to uphold democracy while peaceful protesters are being arrested for asserting their rights. Freedom of expression and peaceful assembly are constitutional guarantees, not privileges that can be withdrawn at the convenience of authorities,” Pahayag ng organisasyon.

Muli ring iginiit ng PAHRA na ang agarang pagpasa sa Human Rights Defenders Protection Bill ay mahalagang hakbang upang mapangalagaan hindi lamang ang mga tagapagtanggol ng karapatang pantao kundi maging ang demokrasya at pananagutan sa bansa.

Patuloy ring ipinapaalala ng Simbahang Katolika, ang paggalang sa dignidad ng bawat tao, sa kalayaan sa pagpapahayag, at sa mapayapang pakikilahok sa lipunan ay mahalagang sangkap ng kabutihang panlahat.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 21,786 total reads

 21,786 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 21,913 total reads

 21,913 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 38,996 total reads

 38,996 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,402 total reads

 95,402 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 218,903 total reads

 218,903 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 302,346 total reads

 302,346 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top