PBBM, kulang sa long-term solution sa mga problema ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,856 total reads

Iginiit ng IBON Foundation na kinakailangang maglatag ang pamahalaan ng pangmatagalang mga programa upang matugunan ang mga pangunahing suliranin sa ekonomiya, kabilang ang kawalan ng trabaho at pagpapalakas ng agrikultura at iba pang industriya ng bansa.

Sa panayam sa espesyal na programang “Pag-uulat sa Bayan: State of the Nation Address 2026” ng Radyo Veritas, sinabi ni Rosario Bella Guzman, Executive Editor at Head of the Research Department ng IBON Foundation, na bagama’t binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang epekto ng oil price shocks sa ekonomiya, hindi naman aniya naging sapat ang mga inilahad na tugon ng pamahalaan.

Ayon kay Guzman, kapansin-pansin din ang kakulangan ng mga long-term solution o pangmatagalang hakbang upang lutasin ang mataas na antas ng kawalan ng trabaho sa bansa.

“So parang bitin kasi kapag State of the Nation dapat ang latag nun, ano yung mas long-term na maaddress niya yung structural problems. So again para sa IBON Foundation hinihintay natin yung paglatag ng program, economic planning that will create jobs, that will revitalize genuinely yung agrikultura at industriya…” Ayon kay Guzman.

Binigyang-diin din nito na sa halip na umasa lamang sa pagpasok ng dayuhang pamumuhunan, mahalagang magkaroon ng komprehensibong plano upang makalikha ng disenteng trabaho para sa mga Pilipino at mabawasan ang patuloy na pag-alis ng mga manggagawa upang magtrabaho sa ibang bansa.

Kaugnay nito bahagi ng itinuturo ng Catholic Social Teaching na ang ekonomiya ay nararapat maglingkod sa tao at hindi ang tao para sa ekonomiya.

Nasasaad sa panlipunang turo ng Simbahan na ang tunay na pag-unlad ay nasusukat sa paglikha ng marangal na hanapbuhay, pagpapalakas ng lokal na produksyon, at pagtiyak na ang bunga ng kaunlaran ay mararamdaman ng lahat, lalo na ng mga mahihirap at manggagawa.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 21,742 total reads

 21,742 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 21,869 total reads

 21,869 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 38,936 total reads

 38,936 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,342 total reads

 95,342 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 218,843 total reads

 218,843 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 302,289 total reads

 302,289 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top