Turn-over ng solar-powered water system, pinangunahan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,328 total reads

Pinangunahan ng Caritas Philippines ang pagpapatupad at pormal na turnover ng Solar-Powered Water System sa mga Barangay Barcelonita at Sta. Cruz sa bayan ng Cabusao, Camarines Sur bilang bahagi ng Empowering Coastal Communities (ECCORD) Project upang tiyakin ang sapat at ligtas na suplay ng malinis na inuming tubig sa mga komunidad.

Isinagawa ang pagbabasbas at turnover ng proyekto sa pangunguna ni Caritas Diocese of Libmanan Executive Director Father Romulo Castañeda kasama si Assistant Director Rev. Fr. Aldrin Adolfo, habang nilagdaan naman ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Caritas Diocese of Libmanan at ng mga pamahalaang barangay upang tiyakin ang pangangalaga at pagpapatuloy ng operasyon ng pasilidad.

Ang proyekto ay pinondohan ng Caritas Australia at ipinatupad ng Caritas Philippines katuwang ang Caritas Diocese of Libmanan.

“The project was introduced in response to the communities’ long-standing need for safe and potable water for household use. The proposal to install the solar-powered water system was approved in April 2026, providing a sustainable solution that will improve access to clean water and enhance the quality of life of the residents,” ayon sa mensaheng ibinahagi ng Caritas Diocese of Libmanan

Itinayo ang solar-powered water system bilang tugon sa matagal nang suliranin ng mga residente sa pagkakaroon ng ligtas at malinis na tubig para sa pang-araw-araw na gamit.

Inaasahang makikinabang dito ang may 527 kabahayan, kabilang ang 272 pamilya sa Barangay Sta. Cruz at 255 pamilya sa Barangay Barcelonita, pati na rin ang mga karatig na komunidad.

“Caritas Philippines, through the Empowering Coastal Communities (ECCORD) Project and in partnership with Caritas Diocese of Libmanan and Caritas Australia, Turnover the Solar-Powered Water System in Barangays Barcelonita and Sta. Cruz, Cabusao, Camarines Sur. The project was established in response to the communities’ long-standing need for safe and potable water. It is expected to benefit approximately 272 households in Barangay Sta. Cruz and 255 households in Barangay Barcelonita, including nearby communities. This reflects Caritas Philippines’ commitment to building resilient and empowered communities through sustainable and life-giving initiatives that uphold the dignity and well-being of every person,” mensahe ng Caritas Philippines sa Radyo Veritas.

Ayon sa Caritas Philippines, bahagi ang proyekto ng patuloy nitong pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng pangmatagalang solusyon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga komunidad, kabilang ang access sa malinis na tubig, pagpapalakas ng kakayahan ng mga mamamayan, at pagtataguyod ng dignidad ng bawat tao sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos.

Larawan mula sa Caritas Diocese of Libmanan

RCAM, magsasanay ng emergency management

 21,759 total reads

 21,759 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 21,886 total reads

 21,886 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 38,956 total reads

 38,956 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,362 total reads

 95,362 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 218,863 total reads

 218,863 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 302,309 total reads

 302,309 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 52,423 total reads

 52,423 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top