Tanggapin si Hesus sa pagbubukas ng puso sa mga nangangailangan-paanyaya ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,274 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na tanggapin si Hesukristo sa pamamagitan ng pagbubukas ng puso sa mga mahihirap, maysakit, nag-iisa, at maging sa mga taong itinuturing na abala sa kanilang buhay.

Ito ang mensahe sa homiliya ng kardinal sa pagdiriwang ng Kapistahan nina Santa Marta, Santa Maria, at San Lazaro ng Betania sa Chapel of St. Lazarus, na dinaluhan ng mga opisyal ng Department of Health, pamunuan ng pagamutan, at mga healthcare workers.

Ayon kay Cardinal Advincula, hindi sapat na tanggapin si Kristo sa salita lamang kundi dapat itong maisabuhay sa pakikitungo sa kapwa, lalo na sa mga higit na nangangailangan ng malasakit.

“Ang tunay na pagtanggap kay Kristo ay hindi lamang pagbubukas ng pintuan ng ating tahanan, kundi pagbubukas ng ating puso, lalo na kapag dumarating Siya sa katauhan ng mga mahihirap, may sakit, nag-iisa, at maging ng mga taong nakaaabala sa atin,” ayon kay Cardinal Advincula.

Paliwanag ng kardinal na tulad ni Santa Marta na handang isantabi ang sariling kaginhawaan upang tanggapin si Hesus, tinatawagan din ang bawat mananampalataya na bigyang-puwang ang Panginoon sa kanilang buhay sa pamamagitan ng mapagkalingang paglilingkod sa kapwa.

Binigyang-diin din nito ang halimbawa ni Santa Maria na nagpakita ng matapang na pananampalataya sa kabila ng mga puna at paghusga ng iba.

“Itinuturo ni Maria na ang tunay na alagad ay hindi sumusunod sa uso kundi sa Panginoon. Ang tunay na pag-ibig ay handang magmukhang hangal sa paningin ng sanlibutan alang-alang kay Kristo,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Hinikayat ng kardinal ang mga mananampalataya na huwag ikahiya ang kanilang pananampalataya at patuloy na unahin ang pagsunod kay Kristo kaysa sa opinyon ng lipunan.

Samantala, sa pagninilay sa muling pagkabuhay ni San Lazaro, ipinaalala ni Cardinal Advincula na patuloy na tinatawag ni Kristo ang bawat isa na talikuran ang kasalanan, takot, at kawalan ng pag-asa.

“Hanggang ngayon ay tinatawag tayo ni Hesus sa ating pangalan. Ang tanong ay hindi kung tumatawag pa ba Siya. Ang tanong ay kung handa ba tayong lumabas mula sa kadilimang matagal na nating kinagisnan,” dagdag ng kardinal.

Ayon kay Cardinal Advincula, ang bawat tao ay may sariling “libingan” na maaaring binubuo ng kasalanan, galit, bisyo, dalamhati, o kawalan ng pag-asa, subalit nananatiling bukas ang paanyaya ni Kristo na mamuhay bilang mga saksi ng pag-asang dulot ng Kanyang muling pagkabuhay.

Umaasa ang kardinal na maisabuhay ng bawat mananampalataya ang tatlong mahahalagang halimbawa ng magkakapatid sa Betania, ang bukas-palad na pagtanggap ni Marta, ang matapang na pananampalataya ni Maria, at ang matatag na pag-asa ni Lazaro, bilang gabay sa tapat na pagsunod kay Kristo at paglilingkod sa kapwa.

Noong 2021, idineklara ni Pope Francis na ang pagdiriwang nina Santa Marta, Santa Maria, at San Lazaro ay pagsasamahin sa iisang kapistahan tuwing July 29, bilang pagkilala sa kanilang natatanging pagkakaibigan kay Hesus at sa magkakaibang paraan ng kanilang pagiging alagad.

larawan mula sa/kay Maricar Santos / RCAM Media

RCAM, magsasanay ng emergency management

 21,810 total reads

 21,810 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 21,937 total reads

 21,937 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,024 total reads

 39,024 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 95,430 total reads

 95,430 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 218,931 total reads

 218,931 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 302,371 total reads

 302,371 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top