36,145 total reads
Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang masusing imbestigasyon sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University at ang pagtukoy sa mga hakbang upang maiwasan ang katulad na insidente.
Ayon sa Pangulo, inatasan na niya ang mga law enforcement agency na alamin ang buong pangyayari at tukuyin ang mga dapat pang gawin upang mapalakas ang seguridad sa mga paaralan.
“Our schools are where we entrust our children to learn, grow, and dream about the lives ahead of them. They must also be among the safest places in our country. I have directed our law enforcement agencies to conduct a thorough investigation into this incident and to determine what more must be done to prevent another family, another school, and another community from suffering the same grief,” ayon sa pahayag ng Pangulo.
Dagdag pa ng Pangulo, “We will work with our schools and communities to strengthen the safeguards that protect our students and ensure that they can pursue their education without fear. Every Filipino family deserves that assurance.”
Binigyang-diin ni Marcos na dapat maging ligtas na lugar ang mga paaralan para sa mga estudyante, guro at kawani.
Tiniyak din ng Pangulo ang pakikipagtulungan ng pamahalaan sa mga paaralan at komunidad upang mapalakas ang mga security measures at matiyak ang kaligtasan ng mga kabataan.
Nagpaabot din ang punong ehekutibo ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima at sa buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, dalawang mag-aaral ang nasawi kabilang na ang ‘gunman’ sa naganap na pamamaril sa loob ng paaralan , Martes ng umaga.




