Pakinggan at alamin ang kalagayan ng mga kabataan, Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 52,159 total reads

Umapela si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na paigtingin ang pagbibigay-pansin sa mga kabataan lalo na sa mga tahimik na nahaharap sa matinding suliranin.

Ito ang apela ng kardinal kasunod ng insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University noong August 18 na ikinasawi ng dalawang estudyante, kabilang ang gunman.

Ayon kay Cardinal Advincula, hindi dapat matapos sa pakikiisa at pakikiramay sa mga biktima ang pagtugon sa insidente, kundi dapat itong humantong sa mas malalim na pag-unawa sa mga pinagdaraanan ng kabataan.

“We must not allow this tragedy to pass without listening deeply to what it tells us about the struggles of our young people,” ayon kay Cardinal Advincula.

Batid ng kardinal na maraming kabataan ang maaaring tahimik na nakikipaglaban sa kalungkutan, pagkabalisa, kawalan ng pag-asa, mga problema sa pamilya, bullying, at academic pressure—mga suliraning madalas hindi nakikita ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Iginiit ng arsobispo ng Maynila ang kahalagahang makinig at alamin ang kalagayan ng mga kabataan.

“We need to listen to them, not only when they speak loudly, but especially when they suffer quietly,” giit ng kardinal.

Sa isang pag-aaral ng mga Filipino researchers na inilathala ng Cambridge University Press, mas tumaas ang bilang ng mga kabataang nakararanas ng suliranin sa mental health, o isa sa bawat limang kabataang edad 15 hanggang 24 ang nakararanas ng moderate to severe depression.

Hinimok ni Cardinal Advincula ang mga pamilya, paaralan, Simbahan at iba pang institusyon na lumikha ng mga ligtas na lugar kung saan maaaring magsalita ang kabataan nang walang takot na mahusgahan at makahingi ng tulong nang walang kahihiyan.

Binigyang-diin ng kardinal na hindi lamang nakapipinsala sa pisikal na aspeto ang mga karahasang nangyayari, lalo na sa loob ng mga institusyong inaasahang ligtas at huhubog sa kakayahan at karunungan ng mga kabataan.

“An act of violence within a school community wounds more than those who are physically injured. It wounds the sense of safety and trust that should allow our young people to learn, grow, dream, and become who God calls them to be,” ayon pa sa kardinal.

Sa halip na manaig ang takot at karahasan, nanawagan si Cardinal Advincula ng sama-samang pagkilos upang palakasin ang kultura ng malasakit, pakikiramay, diyalogo at paggabay sa kabataan.

“Let us strengthen a culture of care, compassion, dialogue, and accompaniment so that violence and hatred may never have the final word,” aniya.

Patuloy ang pakikiisa at pakikiramay ni Cardinal Advincula sa mga biktima, kanilang pamilya, mga nasugatan at na-trauma, gayundin sa buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na patuloy na humaharap sa mga epekto ng insidente.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente habang tinutugunan naman ng ADZU ang psychosocial supporta para sa mga indibidwal na nakaranas ng trauma dahil sa insidente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 98,736 total reads

 98,736 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 149,100 total reads

 149,100 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 277,784 total reads

 277,784 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 363,170 total reads

 363,170 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 421,664 total reads

 421,664 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top