Ipahayag ang katotohanan ng Diyos, apela ni Bishop Gaa sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,844 total reads

Hinikayat ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga mananampalataya na sikaping maunawaan at maipahayag ang katotohanan ng Diyos sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Sa kanyang pagninilay para sa Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon, binigyang-diin ng Obispo ang ugnayan ni Apostol Pedro sa Diyos Ama na naging batayan ng kanyang pamumuno sa mga apostol na hindi nagmula kay Pedro mismo ang awtoridad, kundi sa kanyang pagkakaugat sa Diyos.

Ipinaliwanag ni Bishop Gaa na bagama’t naging pabigla-bigla at nagkaroon din ng mga pagtatalo si Pedro kasama ang iba pang mga apostol, nanatiling mahalaga ang kanyang koneksyon sa Ama sa pagtupad sa kanyang tungkulin.

“Hindi dahil sa kanyang sariling kapangyarihan, kundi sa kanyang koneksyon sa Ama. Kaya makikita natin dito parang ‘yan din sanang inaasam-asam natin. Hindi dahil nais nating maging makapangyarihan, pero nais nating maipahayag ang katotohanan ng Diyos. Nais nating maging panatag sa katotohanan ng Diyos. Isang malaking hamon po ‘yan, and it could be a lifetime endeavor for all of us,” ayon sa pagninilay ni Bishop Gaa para sa ika-21 linggo ng karaniwang panahon.

Ayon sa Obispo, hamon sa bawat mananampalataya na maging daluyan ng katotohanan ng Diyos, hindi upang magkaroon ng kapangyarihan, kundi upang maipahayag ang Kanyang kalooban.

Hinikayat niya ang mga mananampalataya na huwag mangimi o mapagod sa pagsisikap na maunawaan ang ipinapahayag ng Diyos at maisabuhay ito sa kanilang araw-araw na buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 223,517 total reads

 223,517 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 255,248 total reads

 255,248 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 357,072 total reads

 357,072 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 397,634 total reads

 397,634 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 409,308 total reads

 409,308 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 22,426 total reads

 22,426 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top