PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 315,522 total reads

Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot ang live shooting drill sa mga school campus ng Department of Education.

Hindi rin lubos na epektibo, pero makakatulong din ang pagba-ban sa mga estudyante sa paggamit ng anumang gadget online sa loob ng silid-aralan.

Sa kanyang liham sirkular, iginiit ni Jose Cardinal Advincula, arsobispo ng Archdiocese of Maynila, na patatagin ang “culture of care, compassion, dialogue at accompaniment” upang ang karahasan at galit ay hindi mananaig sa loob at labas ng mga paaralan.

Para sa Kardinal, hindi dapat matapos sa pakikiisa at pakikiramay sa mga biktima ang pagtugon sa tuwing may nangyayaring school violence, kundi dapat itong humantong sa mas malalim na pag-unawa sa mga pinagdaraanan ng kabataan.

Kapanalig, marapat lamang na “We need to listen to them, not only when they speak loudly, but especially when they suffer quietly,”. Pakinggan at alamin ang kalagayan ng mga mag-aaral.

Sa isang pag-aaral ng mga Filipino researchers na inilathala ng Cambridge University Press, mas tumaas ang bilang ng mga kabataang nakararanas ng suliranin sa mental health, o isa sa bawat limang kabataang edad 15 hanggang 24 ang nakararanas ng moderate to severe depression.

Paano mapipigilan ang karahasan sa mga paaralan? Nararapat magtulungan ang mga magulang, guro at mga nangangasiwa sa paaralan na lumikha ng isang positibong school environment.

Purihin at kilalanin ang mga kabataan o mag-aaral sa kanilang magandang ugali o pag-aasal., sa kanilang mga achievements.

Maging mapagmatyag sa anumang senyales ng mararahas na pag-uugali ng bata, pakinggan at alamin ang kanilang kagalayan.

Sa mga magulang, laging ipakita at ipadama sa anak ang pagmamahal at pagtitiwala. Lagi kang nandoon sa oras na kailangan ka niya.

Kilalanin ang circle of friend’s ng iyong anak, ipaunawa at himukin ang anak na humingi ng mental health support kapag siya o sinuman sa kanyang mga kaibigan ay nahaharap sa problema.

May kasabihan Kapanalig, “it takes a village to raise a child”., sa paghubog ng isang mabubuti bata, bukod sa tahanan., kailangan niya makisangkot sa mga gawain sa pamayanan, sumali sa gawain sa paaralan, school safety programs. Kailangan ng bata na maramdaman na siya ay kabilang.

Kapanalig, mahalaga din sa isang bata o estudyante na maging bahagi ng extra-curricular activities sa mga paaralan, upang mapapalalim ang ugnayan at relasyon sa kapwa estudyante. Kailangang maramdaman ng bata na siya ay kabilang, siya ay mahalaga at mayroon siyang “safe space” sa paaralan at tahanan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 13,549 total reads

 13,549 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 50,777 total reads

 50,777 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 277,047 total reads

 277,047 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 170,514 total reads

 170,514 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 263,865 total reads

 263,865 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bagong mukha ng Boracay

 13,550 total reads

 13,550 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 50,778 total reads

 50,778 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 277,048 total reads

 277,048 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 170,515 total reads

 170,515 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »
Scroll to Top