Huwag ipagkatiwala sa iba ang paghubog sa mga anak, paalala ni Bishop Florencio sa mga magulang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,666 total reads

Pinaalalahanan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang mga magulang na huwag ipagkatiwala sa iba ang pangunahing pananagutan sa paghubog sa kanilang mga anak.

Ito ang mensahe ng obispo sa kasal na kanyang pinangunahan para sa 17 magkaparehang mula sa Bureau of Jail Management and Penology–National Capital Region noong Agosto 27 sa Santuario de San Vicente de Paul Parish sa Quezon City.

Ayon kay Bishop Florencio, mahalagang pangalagaan at patatagin ang pamilya dahil ito ang pangunahing yunit ng lipunan. Aniya, ang pagkukulang sa loob ng tahanan ay may malawak na epekto sa pamayanan.

“Ang mga magulang ay may very sacred duty dahil sila ang first teachers. Sila ang humuhubog sa mga bata since the beginning,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ng obispo na ang unang natututuhan at nasasaksihan ng mga bata sa tahanan ay may pangmatagalang impluwensiya sa kanilang pagkatao.

“Huwag nilang ibigay sa ibang tao ang paghubog sa mga bata. What comes first will always be remembered,” ani Bishop Florencio.

Hinimok ng obispo ang mga magulang na ibalik ang values formation sa tahanan upang mahubog ang mabuting pagkatao ng mga anak at makatulong na maiwasan ang mga insidenteng kinasasangkutan ng kabataan, kabilang ang mga karahasang nagaganap sa mga paaralan.

Nanawagan din siya sa mga bagong kasal na pagtibayin ang kanilang pamilya at gabayan ang kanilang mga anak sa pananampalataya sa pamamagitan ng pagtuturo ng panalangin at paggalang sa Diyos.

“May mission tayo to build a family, a stronger family, at hubugin ang mga bata lalo na sa pananampalataya,” dagdag ng obispo.

Kasabay nito, tiniyak ni Bishop Florencio na bukas ang Simbahan sa mga pamilyang nangangailangan ng gabay sa gitna ng mga pagsubok.

“Huwag tayong mag-atubili na humingi ng tulong. Ang simbahan nandiyan lang palagi,” aniya.

Sa kanyang homiliya, hinimok din ng obispo ang mga bagong kasal, lalo na ang mga asawang babae, na tularan si Santa Monica na hindi nawalan ng pag-asa sa pagbabagong-loob ng kanyang asawa at ng kanyang anak na si San Agustin.

Paalala ni Bishop Florencio na bagama’t hindi perpekto ang tao, nananatili ang tulong at paggabay ng Diyos sa lahat ng lumalapit sa Kanya sapagkat Siya ay tapat sa Kanyang mga pangako.

Ang mass wedding ay inisyatibo ng Chaplain Service ng BJMP-NCR.

Pinuri ng obispo ang programa at sinabi niyang patuloy na isusulong ng Military Ordinariate of the Philippines ang pagtanggap ng mga sakramento, lalo na ang kasal, sa gitna ng pagbaba ng bilang ng mga nagpapakasal sa Simbahan sa bansa.

Ibinahagi rin ni Bishop Florencio na makatatanggap ng plenary indulgence ang mga bagong kasal na personnel ng BJMP at ang lahat ng dumalo sa pagdiriwang. Ipinagkaloob ito ng Vatican sa Military Ordinariate of the Philippines kaugnay ng paggunita nito sa ika-40 anibersaryo, alinsunod sa mga itinakdang alituntunin para sa pagtanggap nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 15,832 total reads

 15,832 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 52,933 total reads

 52,933 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 279,203 total reads

 279,203 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 172,670 total reads

 172,670 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 265,908 total reads

 265,908 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top