Itinuturing ni Bishop Santos na isang krimen ang pagbaha na pinalala ng katiwalian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,406 total reads

Iginiit ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na ang patuloy na pagbaha sa bansa, na pinalalala ng kapabayaan at katiwalian, ay isang “krimen laban sa pag-asa ng bawat Pilipino.”

Sa kanyang pastoral reflection, tinukoy ng obispo ang mga flood-control project na hindi naipatupad o hindi nagampanan ang layunin kahit pinaglaan ng bilyong pisong pondo para sa proteksiyon ng mamamayan.

“Ang dapat sana’y depensa laban sa sakuna ay naging multo, ghost projects na hindi nakita, hindi naramdaman, at hindi nakatulong sa mamamayan,” mariing pahayag ni Bishop Santos.

Ayon sa obispo, hindi lamang malalakas na pag-ulan, kawalan ng disiplina, at maling pagtatapon ng basura ang dahilan ng paulit-ulit na pagbaha, kundi maging ang malalim na suliranin ng maling paggamit ng pondo ng bayan at kapabayaan ng mga opisyal ng pamahalaan.

“Hindi kasalanan ng mamamayan ang katiwalian. Hindi kasalanan ng mamamayan ang ghost projects. Ang lahat ng ito ay kasamaan, kasakiman, at kapabayaan ng mga namumuno,” giit pa ni Bishop Santos.

Hinamon ng obispo ang mga pinuno ng bansa na pagnilayan ang kanilang tungkulin sa taumbayan lalo’t marami ang nagpayaman gamit ang kaban ng bayan habang patuloy na lumulubog ang maraming lugar dahil sa kapabayaang ipatupad ang mga nararapat na programa.

Kaugnay nito, hinimok ni Bishop Santos ang mamamayan na maging matalino at mapanuri sa pagpili ng mga kandidato sa halalan.

“Ang kapalit ng ilang libong pisong lagay ay taon-taong pagdurusa, pagkasira ng kabuhayan, at kawalan ng pag-asa,” babala ng obispo.

“Suriin ang track record. Kilalanin ang gawa, hindi lamang ang salita. Kung puro pangako at walang patunay, laktawan na.”

Binigyang-diin ni Bishop Santos na ang pagbaha na dulot ng katiwalian at kapabayaan ay hindi lamang pagkukulang kundi “isang pagkakasala laban sa Diyos at sa buong sambayanan.”

Sa kabila nito, nanawagan ang obispo ng pagkakaisa, katapatan, at paninindigan para sa tunay na pagbabago.

“Sa gitna ng baha, tayo ay magtulungan. Sa gitna ng katiwalian, tayo ay manindigan. Sa gitna ng dilim, tayo ay maging liwanag,” ani Bishop Santos.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), ang lalawigan ng Pampanga ang itinuturing na kasalukuyang pinakamatinding naapektuhan ng Habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha.

Sa isang press briefing, ibinahagi ni OCD Deputy Administrator for Administration Assistant Secretary Bernado Rafaelito Alejandro IV sinabi nitong 330 lugar sa 20 bayan ng Pampanga ang nalubog sa baha.

Sa pinagsamang datos ng mga apektado ng mga bagyong Luis, Maymay, at Neneng na nagpalakas ng Habagat, umabot sa 8.8 milyong katao o katumbas ng 2.5 milyong pamilya ang lubhang naapektuhan sa malaking bahagi ng Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Calabarzon, Mimaropa, Cordillera, at National Capital Region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 5,524 total reads

 5,524 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 53,397 total reads

 53,397 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 157,407 total reads

 157,407 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 243,518 total reads

 243,518 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 313,465 total reads

 313,465 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top