Displacement ng mga katutubo at paglawak ng mining sa bansa, pinangangambahan sa PAX SILICA projects

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,061 total reads

Nanindigan ang isang grupo ng mga tumututol sa PAX SILICA initiative na kailangang suriin nang mabuti ang proyekto dahil sa posibleng epekto nito sa mga katutubo, magsasaka, kalikasan at sa soberanya ng Pilipinas sa paggamit ng likas na yaman.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, ibinahagi ni Arnold Padilla, tagapagsalita ng Network Opposed to PAX SILICA at ng International League of Peoples’ Struggle Philippines na may apat ang pangunahing dahilan ng kanilang pagtutol sa naturang inisyatiba.

Kabilang dito ang pangamba sa malawakang displacement ng mga katutubong Aeta at magsasaka sa Capas, Tarlac, pati na rin ang posibleng paglawak ng pagmimina sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang tugunan ang pangangailangan ng supply chain para sa artificial intelligence.

“Hindi lamang ‘yung mga komunidad—’yung immediate communities around the proposed manufacturing hub—ang tatamaan,” Bahagi ng pahayag ni Padilla sa Radyo Veritas,

Binigyang-diin din nito na maaari ring maapektuhan ang iba pang komunidad na nakadepende sa mga lugar na pagmiminahan ng nickel, copper, cobalt at iba pang mineral.

Nababahala rin ang grupo sa posibleng pagkasira ng kalikasan bunsod ng pagpapalawak ng pagmimina, kabilang ang pagkawasak ng kagubatan at pagkalason ng mga ilog at sapa.

Partikular ding binanggit ni Padilla ang malaking pangangailangan sa tubig ng planong manufacturing hub sa Clark, na maaaring makaapekto sa suplay ng tubig ng mga kalapit na komunidad.

Iginiit din ng grupo na usapin din ng pambansang soberanya ang PAX SILICA dahil sa malaking papel ng dayuhang interes sa pagpapasya kung paano gagamitin ang likas na yaman ng Pilipinas.

“Kung tayo ay totoong malayang bansa, ang pagpapasya kung paano natin gagamitin ang ating natural resources, kung anong klaseng development program ang kailangan natin na magsisilbi sa ating interes bilang isang bayan at sa kagalingan ng ating mamamayan, dapat tayo ang nagpapasya niyan,” ani Padilla.

Ayon sa tagapagsalita, ang PAX SILICA ay bahagi ng mas malawak na kompetisyon ng Estados Unidos at China para sa kontrol sa artificial intelligence at iba pang estratehikong industriya.

Dahil dito, sinabi rin ni Padilla na hindi lamang usaping pang-ekonomiya ang proyekto dahil maaari rin itong magkaroon ng implikasyon sa seguridad at militar.

Ipinaliwanag din nito na ang mga teknolohiyang ginagamit sa artificial intelligence at semiconductor production ay maaaring magkaroon ng “dual-use,” o maaaring gamitin kapwa sa sibilyan at military applications.

Samantala, binigyang-diin naman ni Padilla na hindi nila tinututulan ang artificial intelligence o ang foreign investment sa bansa, kundi ang paraan ng paggamit sa likas na yaman at ang kawalan ng sapat na kontrol ng mga Pilipino sa mga desisyong may malaking epekto sa bansa.

“Ang gusto namin ay independent foreign policy. Kumbaga, Pilipino ang magpasya paano natin gagamitin ang ating lupa, ang ating tubig, ang ating enerhiya para sa kapakinabangan ng ating bayan,” ani Padilla.

Nanawagan din ang grupo para sa isang development policy na inuuna ang kapakanan ng mga Pilipino at nagbibigay sa bansa ng higit na kapangyarihang magpasya kung paano gagamitin ang sariling likas na yaman.

Sa bahagi ng Simbahan, ang usapin ng paggamit sa likas na yaman ay hindi lamang tungkol sa pag-unlad ng ekonomiya kundi nakaugnay din sa dignidad ng tao, pangangalaga sa kalikasan at pagtataguyod ng kabutihang panlahat kaya naman dapat isaalang-alang sa anumang proyektong pangkaunlaran ang kapakanan ng mga komunidad, lalo na ng mga mahihina at maaaring direktang maapektuhan, gayundin ang pananagutan sa kalikasan at sa mga susunod na salinlahi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 47,277 total reads

 47,277 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 151,834 total reads

 151,834 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 237,945 total reads

 237,945 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 308,078 total reads

 308,078 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 339,796 total reads

 339,796 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top