Pananagutan ng mga sangkot sa flood control project scam, panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 795 total reads

Nanawagan si Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ng agarang imbestigasyon at pananagutan sa mga sangkot sa korapsyon sa mga pondong inilaan para sa mga flood-control project.

Sa kanyang pastoral letter para sa Buwan ng Ekolohiya o Season of Creation, sinabi ng obispo na lalo pang pinabibigat ng katiwalian ang pagdurusa ng mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa bansa.

“Dapat nating patuloy na hingin ang katotohanan, transparency, at pananagutan,” ayon sa pahayag ni Bishop Mesiona.

Binigyang-diin ng obispo na dapat mapanagot ang mga responsable sa malawakang korapsyon lalo na sa paglustay sa bilyong pisong halaga ng pondong inilalaan para sa pagbibigay ng proteksyon sa mamamayan.

“Ang mga responsable sa korapsiyon ay dapat agarang imbestigahan at mapanagot sa ilalim ng nararapat na proseso ng batas,” ani Bishop Mesiona.

Ayon sa obispo, hindi lamang nawawalang pondo ang dapat tutukan, kundi maging ang iba pang anyo ng katiwaliang nakapagpapalala sa pinsala ng kalamidad.

“Ang kamakailang pagbaha ay lalo ring pinalala ng iba pang uri ng katiwalian: kapabayaan, pagsasamantala, ilegal na pagtotroso, iresponsableng pagmimina, kaingin, maling pagtatapon ng basura, at bawat gawaing inuuna ang pansariling interes kaysa sa kabutihang panlahat,” giit ng obispo.

Iginiit ni Bishop Mesiona na magkaugnay ang pangangalaga sa kalikasan at ang pagtatanggol sa kapakanan ng mga maralita.

“Ang daing ng kalikasan at ang daing ng mahihirap ay magkaugnay at hindi mapaghihiwalay,” diin ng obispo.

Umapela si Bishop Mesiona para sa ganap na pagpapatupad ng 50-taong moratorium sa pag-eendorso ng mga bagong pagmimina at mga aplikasyon sa Palawan.

“Nananawagan din tayo para sa buong pagpapatupad ng limampung (50) taong moratorium sa pag-eendorso ng mga bagong operasyon at aplikasyon sa pagmimina sa Palawan,” pahayag ni Bishop Mesiona.

Ayon sa obispo, ang pangangalaga sa likas na yaman ay usapin ng katarungan, lalo na para sa mga susunod na henerasyon at sa mga sektor na unang naaapektuhan ng sakuna.

“Hindi tayo maaaring manatiling bingi sa kanilang mga daing. Dapat tayong sama-samang kumilos upang iligtas ang Inang Kalikasan, sapagkat sa pagligtas sa kanya ay inililigtas din natin ang sangkatauhan, lalo na ang mga mahihirap,” ani Bishop Mesiona.

Ipinagdiwang ng buong simbahan ang Season of Creation bilang pagbibigay diin sa tungkulin ng bawat isa para sa pangangalaga ng kalikasan alinsunod sa panawagan sa ensiklikal ni Pope Francis na Laudato Si.

Ginugunita ito mula sa unang araw ng Setyembre at nagtatapos sa October 4 sa kapistahan ni San Francisco ng Assisi, ang patron ng ekolohiya, subalit sa Pilipinas, pinalawig ito sa ikalawang linggo ng Oktubre sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples Sunday bilang pagkilala sa mga katutubo na nangunguna sa pangangalaga ng kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 11,589 total reads

 11,589 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 46,458 total reads

 46,458 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 82,940 total reads

 82,940 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 101,152 total reads

 101,152 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 184,896 total reads

 184,896 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top