Tao, dapat pangalagaan ng simbahan at hindi AI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,056 total reads

Nagbabala ang isang pari na maaaring maging mas “artipisyal” ang tao kaysa sa artificial intelligence kung hindi mapangangalagaan ang kanyang pagkakakilanlan, dignidad at kakayahang kumilatis sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya.

Ito ang binigyang-diin ni Fr. Norman Melchor Peña, SSP, sa kanyang panayam tungkol sa mga hamon sa charism at governance ng mga religious congregations sa makabagong mundo, sa diwa ng Magnifica Humanitas ni Pope Leo XIV sa ginaganap na national convention ng Conference of Major Superiors in the Philippines o CMSP sa Zamboanga City.

“The challenge is not that AI becomes too human, but that the human person becomes more artificial,” ayon kay Fr. Peña.

Inihayag ng pari na hindi sapat na matutuhan lamang ng mga relihiyoso kung paano gamitin ang artificial intelligence kundi higit na mahalaga ang pagpapanatili ng tunay na pagkatao habang ginagamit ang teknolohiya.

“The challenge is not merely learning how to use AI, but ensuring that while using them, persons remain authentically human. Reflective rather than reactive. Discerning rather than dependent.
Creative rather than just copying. Responsible rather than reckless,”
giit ni Fr. Peña.

Binigyang-diin ng pari na sa panahon ng AI, ang unang dapat pangalagaan ng Simbahan ay hindi ang teknolohiya kundi ang tao.

“At the moment when artificial intelligence is transforming education work and everything, the Church’s first concern is not the digital instrument, but should be the human person,” aniya.

Hamon ni Fr. Peña sa mga kapwa relihiyos lalo na sa mga religious superior na maging prophetic sa kanilang pamumuno at pagtibayin ang pagkakilanlan ng bawat kasapi ng kongregasyon.

“As superiors, each of you are asked to be prophetic. Not to abolish, but actually to incarnate and affirm the identities of each of your members,” saad pa ni Fr. Peña.

Sinabi rin ng pari na dapat tingnan ang AI bilang katuwang ng tao at hindi bilang kapalit nito.

Iginiit Fr. Peña na ang hamon sa buhay-relihiyoso sa digital age ay hindi lamang kung paano haharapin ang teknolohikal na pagbabago, kundi kung paano mananatiling tapat ang mga relihiyoso sa kanilang karisma, bokasyon at pagkakakilanlan habang patuloy na naglalakbay sa mabilis na pag-unlad ng mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 42,902 total reads

 42,902 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 147,656 total reads

 147,656 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 233,766 total reads

 233,766 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 303,900 total reads

 303,900 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 335,794 total reads

 335,794 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top