Iwasan ang pagkanya-kanya, apela ni Bishop Ayuban sa kapwa obispo at religious superiors

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,717 total reads

Nanawagan si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF sa mga kapwa obispo at religious superiors na iwasan ang labis na pagkakanya-kanya upang higit na mapalakas ang pagkakaisa at pagtutulungan sa misyon ng Simbahan.

Sa kanyang talumpati sa ikalawang national convention ng Conference of Major Superiors in the Philippines o CMSP sa Zamboanga City, binigyang-diin ni Bishop Ayuban na hindi dapat mauwi sa tunggalian ang pagkakaiba ng tungkulin at karisma ng mga obispo at consecrated persons.

“Perhaps the challenge before us is not simply how can bishops and religious avoid conflict—that is too little. The real question is how can bishops and consecrated persons become a more convincing sign of communion for the whole Church, for the Church in the Philippines in particular,” ayon kay Bishop Ayuban.

Ayon kay Bishop Ayuban na kasalukuyang chairman ng CBCP Episcopal Commission on Mutual Relations, kailangang kilalanin na kapwa mahalaga ang hierarchical gifts ng mga obispo at charismatic gifts ng mga religious congregation sa buhay at misyon ng Simbahan.

“They are not rivals. They are co-essential for the life and mission of the Church,” ani Bishop Ayuban.

Binigyang-diin din niya na hindi nangangahulugan ng kawalan ng awtoridad ang pakikipagtulungan ng obispo, habang hindi rin nangangahulugan ng pagkawala ng karisma ang pakikibahagi ng mga relihiyoso sa buhay ng lokal na Simbahan.

“So it’s a balance between autonomy but never independence because we can never be independent to one another.”

“The bishop does not lose his authority by collaborating, the religious do not lose their charism by inserting themselves into the local church. In fact both become more fully themselves when they live their vocation in communion.”

Iginiit ng obispo na kapwa dapat iwasan ang “episcopalism”, kung saan inaangkin ng obispo ang lahat ng pananagutan sa diyosesis nang hindi isinasaalang-alang ang lehitimong awtonomiya ng mga relihiyosong institusyon, at “congregationalism,” kung saan itinuturing ng isang kongregasyon na hindi nito kailangan ang lokal na Simbahan.

Nanindigan ang obispo na kailangang magtulungan at magbuklod ang parehong lider at ipinaliwanag na ang layunin ng magkakaibang bokasyon ay hindi kompetisyon kundi iisang misyon ng Simbahan.

“Different gifts, the same Spirit. Different vocations but the same Church, different responsibilities but the same mission. And different vocations do not mean competing vocations.”

Isigawa ang CMSP National Convention sa Zamboanga City mula September 1 hanggang 5, 2026, na naglalayong palalimin ang pagkakaisa, dayalogo at sama-samang misyon ng mga consecrated persons sa bansa.

Dumalo sa pagtitipon ang 233 religious superiors mula sa 159 na mga kongregasyon sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 41,584 total reads

 41,584 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 146,390 total reads

 146,390 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 232,500 total reads

 232,500 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 302,634 total reads

 302,634 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 334,578 total reads

 334,578 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top